Menu
Nurse na si Nhiezer Aguacito, nadamay sa pamamaril.

Pumanaw ang isang tricycle driver at ang nurse na si Nhiezer Aguacito 24, dahil sa pamamaril.
Dead on arrival ang driver at ang nurse na si Nhiezer Aguacito matapos silang pagba-barilin habang nasa loob ng isang tricycle.
Nangyari ang insidente sa kahabaan ng Aparente Street corner Salvani Street sa Barangay City Heights, General Santos City noong February 2 ng 2:30PM.
Ayon sa imbestigasyon ng mga awtoridad, kinilala ang driver na si Iven Miano Conde 32, na may kasong rape, acts of lasciviousness, homicide at drug trafficking na pansamantalang nakalaya matapos makapag-bigay ng pyansa.
Habang ang nurse naman na si Aguacito ay nadamay lang sa pamamaril, tila ang target talaga ng mga suspek na naka-motor ay ang tricycle driver na si Conde.
Sumakay ang nurse na si Aguacito sa tricycle para maka-uwi na matapos itong namili sa grocery ng mga sabon at ibang pangangailangan sa loob ng bahay.
Ayon pa sa isang social media post : “Nakakadurog ng puso na ang simpleng araw at mo lamang bilang asawa at ina na galing sa groceries pa uwing bahay ay magiging malungkot na araw ang sinapit mo pati ng iyong pamilya na sana ay makikita mo pa at makasama ito yung tadhana na sinadya ng ibang tao ng mga taong walang puso nandamay pa.”
Agad na isinugod ang driver at ang nurse sa ospital ngunit sila ay idineklarang dead on arrival.
Sa kasalukuyan, patuloy na isinasa-gawa ng mga awtoridad ang mas malalim na imbestigasyon upang madakip at malaman ang pagkaka-kilanlan ng mga suspek.
Nana-nawagan rin ang pamilya ni Nurse Aguacito ng hustisya dahil sa pagka-wala ng kanilang mahal sa buhay.
Marami naman sa mga netizens ang nalungkot sa sinapit ng Nurse dahil sa murang edad nito ay natapos na agad ang kanyang mga pangarap.
Ani ng netizen : “Sayang nagsikap para makuha ung pangarap pra sa pamilya tapos igaganon lang ng mga Kriminal. Kahit sinong tao mga Pamilya galit talaga sino mang pumatay.”
“Ang sa taas sa kabaong nya lagyan nyo sisiw,para makamit ang hustisya,mag surender yan ang nag baril kawawa nman liit pa ng anak.”
Dagdag pa ng isa : “grabeee hirap nadinpag gannyan madadamay ka pa.”

