Bea Borres, hindi pinagamit sa anak ang apelyido ng kanyang ex.

Hindi pala hinayaan ni Bea Borres na gamitin ni Baby Hope ang apelyido ng kanyang ex.
Ibinahagi ni Bea na ‘Borres’ ang ginamit na surname o apelyido ng kanyang anak na si Baby Victoria Hope at hindi ang sa kanyang ex.
Kung ating babalikan, naging maingay ang biglaang pagbubuntis ni Bea matapos kumalat online ang mga blind items na nagtuturo sa kanya bilang content creator na nagdadalang-tao.
Dito na kinumpirma ng vlogger na siya ay buntis sa pamamagitan ng isang Youtube vlog, ngunit ‘no show’ na raw ang ama ng kanyang anak na si Meray Yamada.
Isinilang ni Bea si Baby Hope noong December 15, 2025. Dito na inamin ng content creator na hindi niya pinagamit ang apelyido ng kanyang ex-boyfriend at tanging ‘Borres’ lang ang nakasulat sa birth certificate ng kanyang anak.
Ani Bea : “Being called a single mother never really bothered me because I’m confident and know what I’m capable of & one of the proudest moments of my life as a woman was choosing to give my daughter my last name.”
Dagdag pa niya : “I still don’t get the shame and hatred towards single mothers, we never wanted to be one in the first place. so wag kayong feeling ulirang ama kung stress lang naman inambag niyo hahah.”
Sa kasalukuyan, kapiling na ni Bea ang kanyang baby matapos itong mag-stay ng 44 days sa NICU o Neonatal Intensive Care Unit. Noong isinilang kasi si Victoria Hope ay hindi pa stable ang lagay nito.
Pagbabahagi ni Bea : “if you think i’m strong, my baby Hopea is stronger, she fought harder than I did!! after 44 days in the Nicu, Pea is finally going home.”
Marami naman sa mga netizens ang natuwa dahil hindi ginamit ni Bea ang apelyido ni Meray. Anila na dapat lang dahil hindi na kailangan ng vlogger ang ama ng bata.
Ani ng netizens : “Single Mother ang nanay ko and I’m proud to say na napalaki nya naman ako ng maayos, napag aral at nabigay ang needs bilang anak. Its okay if the father never existed. Kaya naman ng mga single NANAY na maging TATAY din.”
Dagdag pa ng isa : “Thats the right thing to do bea. Para pag nahanap mo c da one mo hindi kana mahihirapan pa magpapalit ng apelyido ng anak mo . Matic na sa mapapangasawa mo pag kinasal ko matic na magiging kaapelyido nyo sya. Yan kc biggest mistake ko sa eldest ko.”






