Dream house ni Barbie Imperial sa Bicol, ginawan ng issue.

Pumalag si Barbie Imperial matapos gawan ng issue ang kanyang dream house sa Bicol.

Tinawag na fake news ng aktres na si Barbie Imperial ang isang website matapos nitong gawan ng issue ang kanyang dream house sa Bicol.

Kung ating babalikan, masayang ibinahagi ni Barbie ang katas ng kanyang hard work ng pagta-trabaho sa showbiz sa loob ng isang dekada.

Sa wakas kasi ay mapapa-tayo na niya ang kanyang dream house na located sa Albay, Bicol. Ito ay kanyang ibinandera sa kanyang Intagram account.

Panimula ni Barbie : “MAY BAHAY NA AKO SA BICOL, [crying, pray at heart emoji] oh my… 10 years in the industry and was able to put a roof over my mama and kuya’s heads, and now i have my own home in my province.”

Bahagi ng caption niya : “nakakaiyak kasi sobrang pinagpaguran ko to ng ilang taon.. puyat, pagod, at ilang beses na iyak. huhu salamat sa diyos at syempre sa nagiisa kong lakas, mama.. para sayo to lahat.”

Barbie Imperial holds groundbreaking ceremony for house in Albay, Bicol
Barbie Imperial house in Bicol

Kasabay ng pag-flex ni Barbie ng kanyang dream house sa IG, lumabas rin ang isang blind item tungkol sa sikat na aktres na may bagong bahay raw pero ang ginastos ay hindi nagmula sa pagsisikap ng dalaga.

Laman ng blind item : “Projects keep pouring in: endorsements, films, events, and a solid presence on social media. She works nonstop, earns well, and proudly tells her rags-to-rewards story. To many, the narrative checks out. but not everyone is convinced.”

Bahagi pa ng blind item : “Whispers grow louder that the property may not be a product of puyat and pagsisikap alone, but a grand token of affection from her rumored married influential lover.”

Dito na pumalag si Barbie at aminado ito na siya raw ang nasa likod ng blind item, nanawagan rin siya na ireport ang naturang page ng entertainment website matapos magpa-kalat ng fake news.

Ani Barbie : “Lol this is so obvious its about me. Hindi nalang kayo maging masaya. I can proudly say NO MAN helped me achieve this. Kung sino pa yung sarili mong kapwa pinoy talaga hihila sayo pababa. God bless you, whoever you are. Makagawa ka lang ng kwento. [laughing emoji] bye.”

Dagdag ng aktres : “Lets report this page please. [heart and pray emoji].”