Jerome Ponce at Leonette Espina, blind item ni Xian Gaza?

Ang aktor na si Jerome Ponce at si Leonette Espina raw ang nasa likod ng pa-blind item ni Xian Gaza?
Nakilala na ng mga online marites ang blind item ni Xian Gaza kamakailan tungkol kina Jerome Ponce at si Leonette Espina.
Sa blind item ng pambansang marites, mapapansin ang larawan ng tatlong indibidwal na kuha sa isang bar, nilagyan pa ito ni Gaza ng malupit na caption. Ngunit tinakpan niya ang kanilang pagkaka-kilanlan.
Ani Xian Gaza : “BREAKING NEWS: Isang sikat na lalaking artista, kinakant.. ang pinsang buo ng kanyang ama! Ka-live in niya ang sarili niyang tiyahin! OMG! This is kompirmd 100%! Buong angkan nila ay galit na galit sa kanilang dalawa!”
Sunod-sunod naman ang mga clues na binibigay ni Gaza sa comment section ng kaniyang post pero dahil sa privacy nito, siya lang ang maaaring maka-komento sa kanyang online post.
Aniya : “Halos kaedad lang niya yung tita niya kasi one of the panganay sa magpipi-pinsan yung father ni guy. Super pretty si Tita. Nakakaloka hindi ko kinaya ang chikang ito ‘daaay.”
“Ang dapat sa dalawang yan eh maghiwalay kasi sobrang nakakahiya sa ating lipunan tapos maling-mali yan sa mata ng Diyos at sa mata ng agham! Tapos kami na lang Tita… single naman ako. Never been married. No girlfriend din. Walang sabit. Higit sa lahat, hindi kami magkapamilya.”
Dagdag pa niya : “napakalaking eskandalo ‘to kapag na-reveal kung sino siya… shet… huwag naman sana.”
Ilang oras lang ang nakalipas ay nagbigay ng babala si Xian Gaza tungkol sa mga personalidad na ito na dapat raw ay maghiwalay na sila sa loob ng tatlong araw dahil kung hindi ay ipopost na niya ang uncovered na litrato nilang dalawa.
Ani Gaza : “BINIBIGYAN KO NG ULTIMATUM ANG DALAWANG MAG-TIYAHIN NA ‘TO. KAPAG HINDI PA KAYO NAG-BREAK WITHIN THE NEXT 3 DAYS SA NGALAN NG DIYOS, AGHAM, LIPUNAN AT NG INYONG BUONG ANGKAN, PASENSYAHAN TAYO HA…”
Hindi umabot ang 24hrs ay nakilala na ng online marites kung sino-sino ang nasa blind item ni Gaza, kumalat na sa Reddit ang original photo na tinakpan ni Xian at nakilala na ito ng mga netizens.

Caption pa sa Reddit : “GRABENG MAG TITA (Jerome Ponce and Leonette Espina).”
Sa kasalukuyan, habang sinusulat namin ang balitang ito ay hindi pa naglalabas ng kanilang statements sina Jerome Ponce o maging si Leonette Espina.







