Menu
Mga negosyante sa Maynila, umaray sa malaking garbage fee.

Pumalag ang mga negosyante sa City of Manila matapos lumubo ang kanilang garbage fee.
Umaray ang mga SME o Small and Medium-sized Enterprise dahil sa biglaang paglaki ng garbage fee sa City of Manila.
Isang negosyante na si Dea Corine ang naglabas ng kanyang pagka-dismaya sa social media dahil sa kanyang garbage fee na biglang umabot sa P36,000 para sa taong 2026.
Himutok pa niya : “Grabe naman Isko Moreno Domagoso baka hindi ho kayo karmahin nyan? [crying emojis] from 3,000 to 36,000?! Hindi naman ata tama na saamin nyo singilin ang pagtaas ng GARBAGE FEE mula noong 2013! Wala pa kaming isang DEKADA nagnenegosyo, FYI!”
Dagdag pa niya : “Sobrang baliko ng dahilan ninyo [crying emoji] tapos pag di nag-renew agad ng permit, may FEE nanamn kasi late. “Make Manila great again” LOL!!!”

Sa live broadcast naman ng kasalukuyang alkalde ng Maynila na si Mayor Isko Moreno noong January 19, nilinaw niya kung bakit biglang tumaas ang garbage fee para sa mga negosyante.
Aniya na kailangan niyang e-adjust ang garbage fee na unang binigyang-bisa noong taong 2013 upang mapunan ang gastusin sa waste collection at disposal ngayong 2026.
Ani Isko Moreno : “Help me, garbage problem is a shared responsibility. Tulong tulong tayo. Help me to make Manila great again.”
Dagdag pa niya : “Hard decisions should be made. In the long term, the people of Manila will benefit from it.”
Marami naman sa mga netizens ang nagsasabi na hindi maka-tarungan ang napaka-laking garbage fee na inimplement sa Maynila lalo na sa mga mali-liit lang na negosyante.
Ani ng netizen : “Grabe yung increase sa garbage fee, that’s 1200% increase. Di makatarungan. As far as I know te pwede nyong ichallenge ito.”
“Totoo nak nakakaiyak yang garbage fee na yan na para bang ikaw lang ang nagkakalat sa buong kamaynilaan.”
Dagdag pa ng isa : “Shuta ang laki naman ng singil yung sa parlor nga ng mama ng jowa ko garbage fre 42k e.”
