OMG! Ang pinaka manipis na cellphone na iPhone Air ay nandito na, kailan kaya ang release date at price sa Philippines?
Sa kakatapos lamang na ‘Awe Dropping’ event ng apple noong Sept. 9, dito na nila ipinagmalaki at ipinakilala ang ‘thinnest iPhone ever’ na ererelease nila at ito ang pinakabagong iPhone Air.
Ang iPhone Air ay ang replacement para sa mga version ng iPhone Plus variants. Kasabay sa inabangan ng mga netizens ay ang bagong iPhone 17 series, ngunit mas namangha silang tunay sa pinaka-manipis na iPhone sa kasaysayan.
Gaano ba kanipis ang cellphone na ito?
Ang iPhone Air ay may nipis o thickness kagaya sa isang plywood na may nipis na 5.6mm at ang bigat nito ay 165 grams lang, let’s dive in sa specs ng cellphone na ito.
Mayroon itong screen size na 6.5 inches, may battery capacity ng 3149 mah (charged 50% in 30 mins.), kung mahilig ka naman sa selfie at photography pweding-pwedi sayo ang gadget na ito dahil meron na itong 48MP fusion single main (rear) camera at selfie (back) center stage camera na 18MP.
Other variants screen size :
- iPhone 17 pro max : 6.9 screen size display.
- iPhone 17 pro : 6.3 screen size display.
- iPhone Air : 6.5 screen size display.
Pwedi ka rin na mamili ng eye catching available colors sa iPhone Air tulad ng sky blue, light gold, cloud white at space black.

iPhone Air available storage and prices in the Philippines :
- 256GB ROM/12GB RAM – P72,990
- 512GB ROM/12GB RAM – P87,990
- 1 TB ROM/12GB RAM – P102,990
Maliban sa malaking storage, ang iPhone Air ay mayroong ng A19 chip processor – 5 core GPU at build with AI or Apple Intelligence. Ang lahat ng units na kasama sa line up ng 17 series ay may 25W magsafe at Qi2 wireless charging (+ reverse charging 4.5W).
Ito pa ang mga kasama ng iPhone Air na ilalabas ng Apple at magiging available na sa Philippine market soon.
iPhone 17 pro :
- 256GB – P79,990
- 512GB – P94,990
- 1TB – P109,990
iPhone 17 pro max :
- 256GB – P86,990
- 512GB – P101,990
- 1TB – P116,990
- 2TB – P146,990
Release date : September 17, 2025.