Alden Richards’ McDo Branch in Laguna Draws attention online.

Laguna, Philippines – Trending ang bagong fast food business ng aktor at model na si Alden Richards, ito ay ang bago niyang Mcdo o Mcdonald’s branch sa Sta. Rosa.

Matatagpuan sa mismong hometown ni Alden ang bagong branch niya ng Mcdo at masyadong naiiba naman ito sa nakasanayan nating desinyo ng kilalang fast food restaurant.

Napansin kasi ng mga netizens na ang istilo ng bagong fast food business ni Alden ay may historical vibe o may heritage-inspired architecture.

Nakatayo ang negosyo ni Alden sa dating Zavalla-Rivera Ancestral Houses, ang historic na “bahay na bato“. Ibinahagi ng aktor noong January 8 na magbubukas na ang kanyang Mcdo branch sa darating na January 20, 2026.

How Alden Richards built a McDonald’s branch unlike any other
Alden Richards Mcdonald’s branch

Say ni Alden : “Actually, it’s opening this month. Fina-finalize lang po yung details about it. But it’s another franchise po of the fast food brand [Mcdonald’s] that I have as one of my restaurants.”

Dagdag pa ng aktor : “Family business po ito. So, at least very much excited din ako kasi at least doon talaga sa hometown ko [Laguna] kung saan ako lumaki, doon ko naman siya io-open.”

Marami naman sa mga netizens ang nagsasabi na bagay na bagay talaga ang branch na ito ni Alden sa Laguna dahil harap mismo ito ng lumang simbahan.

Ani ng netizen : “Tama LNG yan. D kz nababagay s paligid ang modernong style ng Mcdo ni Alden Lalo pa at katapat ay ang lumang simbahan ng Sta Rosa, Laguna.”

“napakaganda, katapat lang mismo ng church ng sta rosa plaza, katabi din nya yung museum na under renovation.”

“mejo nagtrend siya sa tiktok ko dahil nagandahan at na amaze sa heritage style mcdo ni alden very unique.”

Dagdag pa ng isa : “Meron Po tayong batas na lahat ng heritage site, house ay Hindi Po pwedeng ginabain tulad Po sa Vigan Meron din Pong ganyan pati Yung Jollibee.”