Carmina at Zoren, dinamay sa ‘power couple’ blind item.

Nadamay na ang mag-asawa na sina Carmina Villarroel at Zoren Legaspi sa ‘power couple’ blind item.

Naging usap-usapan sa social media ang ‘power couple’ blind item na hanggang sa ngayon ay hindi pa nahuhulaan ng mga netizens.

Caption pa sa blind item : “Is this the end of a power couple’s fairy tale?”

Bahagi pa ng caption : “Industry whispers reveal that the husband, known for his charm and squeaky-clean reputation, allegedly lives a double life. While projecting the image of a devoted partner, he is said to be juggling multiple women-quietly, repeatedly, and recklessly.”

Kasabay ng ingay online, maraming celebrity couples na ang nadamay dahil sa blind item na ito gaya na lamang nila Toni Gonzaga at Paul Soriano, Marian Rivera at Dingdong Dantes, Luis Manzano at Jessy Mendiola, Jennylyn Mercado at Dennis Trillo.

Ngunit ang mga power couples na ito ay isa-isa nang nag-salita at naglabas ng kani-kanilang mga pahayag upang linawin na hindi sila ang nasa likod ng blind item.

Sa mga bagong hula naman ng mga netizens, nadamay na ang mag-asawang sina Carmina Villarroel at Zoren Legaspi.

Pumalag na rin ang talent manager na si Ogie Diaz matapos gamitin ang kanyang larawan sa isang misleading post online.

Sa naturang post, tila kinukumpirma na sina Carmina at Zoren ang mga taong nasa likod ng ‘power couple’ blind item.

Caption pa ng misleading post : “Isang blind item na naging mitsa ng malaking sunog sa social media ang nagtuturo ngayon sa mag-asawang Carmina at Zoren. Mula sa mga luha sa hotel lobby hanggang sa mga pahiwatig ng infidelity, tila hindi na kayang itago ang lamat sa kanilang pagsasama. Bakit nga ba tikom ang bibig ng magkabilang panig habang ang publiko ay nagpipiyesta sa mga lumalabas na ebidensya?”

Pagpapatuloy nito : “Ito na ba ang katapusan ng isang alamat sa showbiz? Ang mga sagot na matagal niyong hinahanap ay narito na at siguradong ikabibigla niyo ang mga susunod na pangyayari. Basahin ang buong istorya para malaman kung paano nagsimula ang lahat, i-click lamang ang link sa unang comment.”

A malicious power couple blind item targeting Carmina Villarroel and Zoren Legaspi
Ogie Diaz slams misleading post about Carmina Villarroel and Zoren Legaspi

Ni-repost ni Ogie ang naturang post sa kanyang IG story at nilagyan niya ito ng caption na : “Fake news! Pls report!”.

Habang sinusulat namin ang balitang ito ay hindi pa naglalabas ng kanilang opisyal na pahayag sina Carmina at Zoren tungkol sa mga social media posts na nagli-link sa kanila sa naturang blind item.