Menu
Andrea Brillantes, new boyfriend na si Franchesko Capistrano?

Mukhang may soft launch na ang relasyon nina Andrea Brillantes at Franchesko Capistrano.
Usap-usapan si Andrea Brillantes at ang basketball player na si Franchesko Capistrano matapos kumalat ang kanilang pictures online.
Kumalat sa social media ang mga sweet photos nina Andrea at Franchesko na nagmula sa New Year’s countdown na naganap sa Bonifacio Global City sa Taguig.
Ang mga larawan ay ibinahagi rin ni Franchesko sa kanyang IG stories, mapapansin ang sweetness nilang dalawa dahil nakadikit pa ang kanilang mga pisngi na may fireworks background.

Mapapansin rin sa mga viral photos na kasama nilang nag-celebrate ng 2026 New Year’s countdown ang pamilya ni Franchesko.
Marami naman sa mga netizens ang nagsasabi na mahilig talaga sa basketball players ang aktres.
Ani ng netizen : “Naku basketball player again, magpapalit lang din yan after ilang buwan. Enjoy enjoy lang sa boys si Andrea Brillantes.”
Dagdag pa ng isa : “Parang sa lahat Ng naging jowa niya ito Pina ka bet ko.. mukang mabait.”
kung ating babalikan, nakaraan lang ay na-linked rin si Andrea sa isang basketball player na si Samuel “Sam” Fernandez pero mukhang hindi natuloy ang kanilang relasyon.
Isang basketball player rin ang naging ex-boyfriend ni Andrea at ito ay si Ricci Rivero. Talagang pinag-usapan ng buong bansa ang kanilang hiwalayan matapos mag-cheat ang binata sa aktres.
Samantala, inaabangan naman ang bagong proyekto ni Andrea sa kapatid network o TV5 na pagbibidahan nila ng aktor na si Enrique Gil, ito ang niluluto nilang programa o serye na may pamagat na ‘A Secret in Prague’.



