Lean de Guzman, nagsalita na sa issue nila ni Vinz Jimenez.

Sa wakas ay nagsalita na si Lean de Guzman tungkol sa kanyang issue.

Naglabas ng side of her story si Lean de Guzman tungkol sa issue, ang babaeng niregaluhan ni Vinz Jimenez ng mga screenshots.

Kung ating babalikan, pinag-usapan ng milyon-milyong netizens ang issue nina Lean at Vinz dahil sa isang viral video online.

Ibinahagi ni Vinz Jimenez ang panloloko sa kanya ni Lean de Guzman, nadiskubre nito na ginagamit lang siya para sa libreng pagkain at para maka-libre ng sakay o pamasahe.

Ani Vinz : “Para may service sa manila at foods”

Pagpapatuloy pa niya : “Kung sino man ho bf nito please lang, wag mo na pauwiin ng manila to kasi magugutom lang at walang pamasahe. Sana makita to ng BF nya.”

Ang hindi alam ni Vinz na habang nagda-date sila ay umuuwi si Lean sa kanyang live-in partner, una niya na itong napansin dahil sa tuwing gabi raw ay hindi niya ito makontak at hindi nag-oonline.

Sa araw bago ang pasko, niregaluhan ni Vinz si Lean ng mga printed screenshots na nag-mula sa pag-uusap ng dalaga at ng kanyang friend na kung saan inamin nito na ginagamit niya lang ang binata para sa libreng pagkain at libreng sakay.

Makikita sa mga naturang screenshoots ang mensahe ni Lean na hindi niya muna hihiwalayan si Vinz dahil kailangan pa niya ito sa tuwing bumibiyahe siya papuntang manila para maka-less gastos.

Dahil sa mga pambabatikos na binabato kay Lean, nagsalita na ang dalaga at nilinaw niya ang lahat.

Aminado siya na may kasalanan siya at humihingi siya ng paumanhin sa mga taong nasaktan dahil sa kanyang nagawa.

Ani Lean : “Never po naging kami nung guy [Vinz], never kami naging long term relationship. Totoo po na nanligaw s’ya sakin at nagpa-ligaw [din] ako kahit may boyfriend ako, mali po ako dun at alam ko ‘yun.”

Pagpapatuloy niya : “Three weeks palang po kaming nag-uusap, anim na beses [lang] po kaming nagkita… nagstart kami mag-usap noong Nov 25… nag end nung December 23.”

Nilinaw naman ni Lean ang tungkol sa libreng pagkain at libreng sakay sa kotse ni Vinz kaya patuloy siyang nakikisabay sa relasyon nilang dalawa.

Chika ni Lean : “Tuwing magme-meet up kami, laging halfway po kami… lagi po s’yang naglu-luto sa apartment nya… may three times po kaming lumabas, nagdate.”

Binigyang linaw rin ng dalaga na hindi siya nagpapa-book sa isang matanda sa halagang 3k na pilit na binabato sa kanyang dahil sa viral issue.

Paglilinaw ni Lean : “PR means s3x po kasi and hindi po totoo ‘yun na nag-PR ako sa matanda… hindi ako makikipags3x sa matanda for 3k parang ang baboy na ng sarili ko ‘nun.”