Vinz Jimenez, may regalo kay Lean de Guzman na screenshots.

Viral sa social media ang dating magkasintahan na sina Vinz Jimenez at Lean de Guzman.
Ibinahagi ni Vinz Jimenez ang panloloko sa kanya ni Lean de Guzman, nadiskubre nito na ginagamit lang siya para sa libreng pagkain.
Sa kanyang social media account, dito niya ibinahagi ang kanyang nalaman tungkol sa pagkatao ni Lean, maliban sa pag-gamit sa kanya para sa mga free meals, ginagamit lang pala siya nito para makalibre ng pamasahe sa sakay o bilang service.
Ani Vinz : “Para may service sa manila at foods”
Pagpapatuloy pa niya : “Kung sino man ho bf nito please lang, wag mo na pauwiin ng manila to kasi magugutom lang at walang pamasahe. Sana makita to ng BF nya.”
Sa unang mga dates raw nila ay okay naman ang lahat, mahilig raw magbahagi si Lean de Guzman ng mga storya kay Vinz Jimenez tungkol sa mga past issues o mga trust issues nito sa kanyang ex-boyfriend.
Ang hindi alam ni Vinz na habang nagda-date sila ay umuuwi si Lean sa kanyang live-in partner, una niya na itong napansin dahil sa tuwing gabi raw ay hindi niya ito makontak at hindi nag-oonline.
Ani Vinz : “After that tinanong ko sya if pwede manligaw and she said Yes. But then habang tumatagal, sa chat lagi syang nawawala ng matagal lalo na gabi, especially 9pm onwards to midnight. And hindi sya natatawagan, offline status. Hindi nagriring.”
Dagdag pa niya : “it’s just 1month lang naman nasayang na effort and time. Nakakagigil sa una, Oo. But what i’m mostly concerned about is sa bf nya. Gaya ng sabi ng mga kaibigan nya, “hindi si vinz ang niloloko mo, yung bf mo” Bruhhh live-in sila! kaya pala madalas syang naka-offline then magchchat bigla then offline ulit, yun pala restricted ako HAHAHA I know what it feels to be cheated kaya kung sino man BF nito, message me. Sasabihin ko lahat brother.”
Sa mismong pasko, niregaluhan ni Vinz si Lean ng mga printed screenshots na nag-mula sa pag-uusap ng dalaga at ng kanyang friend na kung saan inamin nito na ginagamit niya lang ang binata para sa libreng pagkain at libreng sakay.
Ang mismong friend ni Lean ang nagpadala ng mga screenshots kay Vinz matapos nitong malaman na sinisiraan siya ni Lean sa iba pa nilang mga kaibigan.
Makikita sa mga naturang screenshoots ang mensahe ni Lean na hindi niya muna hihiwalayan si Vinz dahil kailangan pa niya ito sa tuwing bumibiyahe siya papuntang manila para maka-less gastos.
Sa kasalukuyan, hindi na mahagilap ang social media accounts ni Lean matapos mag-viral ang post ni Vinz na pinag-usapan ng buong mundo.





