Cause of death ni Catalina Cabral, no foul play ayon sa pamilya.

Naglabas ng pahayag ang pamilya ng former DPWH undersecretary na si Catalina Cabral tungkol sa kanyang cause of death.
Nanindigan ang pamilya ng dating opisyal ng DPWH na si Catalina Cabral na walang foul play sa kanyang pagkamatay.
Kung ating babalikan, pumanaw si former Department of Public Works and Highways Usec. Catalina Cabral noong December 18 ng hating gabi matapos diumano itong mahulog sa bangin ng Kennon Road sa Tuba, Benguet.
Hindi rin naniniwala ang dating presidential spokesperson na si Atty. Harry Roque na natural ang pagkahulog ni Catalina sa bangin.
Ani Roque : “Usec Cabral is 3rd to have died since the flood scam. There too were engineers from Ilocos Norte and Sorsogon. Mafia style?”
Dagdag nito : “Alam ni Usec Cabral ang lahat ng insertions ng tongressmen, senatongs at Malacanang. Maniniwala ba kayo na nahulog [siya]?”
Taliwas naman ang paniniwala ng asawa ni Catalina na si Engr. Cesar Cabral, naniniwala ito na walang foul play sa pagpanaw ng kanyang asawa.
Tumanggi rin si Cesar na sumailalim pa sa autopsy si Catalina, dahil siya raw at ang kanyang mga anak ang magpapatunay na katawan ng kanyang asawa ang nakuha sa bangin at hindi ibang tao.
Sa naging pahayag kasi ni DILG Secretary Jonvic Remulla noong December 19, kailangan raw na ma-autopsy at ma-DNA test ang bangkay ni Catalina para makumpirma na siya talaga ito.
Say ni Remulla : “She’s still undergoing autopsy and a DNA test to make sure that it’s really her. Baka budol-budol ito, eh, di ba? so naninigurado lang tayo na siya talaga ‘yan.”
Dito na pumalag ang asawa ni Catalina at tumanggi na ipa-autopsy ang kanyang asawa.
Ani Engr. Cesar : “Ipinakita ko na sa kanila yung bangkay. Nakita [na] nila, tiningnan nila kung ano ang hitsura, tapos ipapa-autopsy [pa] nila? Siguro, karapatan namin na nagbigay na kami ng waiver. Bakit ipapa-autopsy pa? Nakita mo na ‘yung sarili niya, hihiwain mo pa?”
Dagdag pa niya : “Kasi nakakita na ako ng inu-autopsy. Bubuksan nang buo [ang katawan] tapos pababayaan lang. Iiwan na lang ng mga nag-autopsy. Naghirap na nga yung tao tapos hihiwain mo pa? Anong dahilan? Wala naman silang nakitang foul play.”






