Personal assistant ni Jinkee Pacquiao, pumalag kay Eman Bacosa.

Pumalag ang PA o Personal Assistant ni Jinkee Pacquiao laban kay Eman Bacosa.

Naglabas ng pahayag ang personal assistant ni Jinkee tungkol sa mga batikos na natatanggap ni Manny Pacquiao dahil kay Eman Bacosa.

Hindi lingid sa marami na nakakatanggap ng samu’t-saring batikos sina Manny at Jinkee sa social media dahil sa nakitang lifestyle ng mga netizens kay Eman Bacosa.

Nakita kasi nila na hindi kagandahan ang bahay na tinutuluyan ngayon ng anak ni Manny at ng kanyang pamilya matapos ang panayam ni Eman sa programa ni Jessica Soho na KMJS.

Dito na nila hinamon si Manny na bigyan ng bahay si Eman para mas kumportable ito sa buhay at makapag-focus ng maayos sa kanyang boxing training.

Naikwento ni Eman sa KMJS ang mga hirap na naranasan nilang mag-ina bago niya maabot ang kanyang pangarap na maging boxer.

Pahayag ni Eman sa KMJS : “Hindi po naging madali talaga. Tiniis ko po ‘yung gutom, hirap, financial problems. Sinusuportahan naman po [ako] from time to time. Binibigyan po, pero hindi naman po as in araw-araw.”

Napatanong ang mga fans ni Eman kung bakit hindi nagawa na bigyan ni Manny ang kanyang anak ng maayos na tirahan lalo na’t kilala ito na namimigay ng libreng pabahay sa mga mahihirap.

Sinundan pa ito ng latest vlog ni Doktora Vicki Belo na kung saan pinag-unli shopping niya at binilhan si Eman ng mga kailangan nito sa boxing gaya na lamang ng gloves, sapatos at marami pang iba.

Dahil sa pambabatikos kay Manny, naglabas ng pahayag ang PA o personal assistant ni Jinkee na si Malou Masangkay.

Aniya na hindi na kailangang ipost pa sa social media ang mga tulong nina Manny at Jinkee para kay Eman.

Pagbabahagi ni Malou : “Ako talaga isa ako na maka witness kasi P.A ako ni madam for how many years Kong tulong Ang pag uusapan subra subra Ang tulong ni sir manny at madam Jinkee Kay Emman.”

Chika pa ni Malou na pinag-shopping pa ni Manny si Eman kasama ang mga kapatid nito at kahit kailan raw ay hindi pibayaan ang bagitong boxer.

“pinag shopping ni sir manny c kasama ng kapatid ni emman halos halos sila nag shopping damait sapatos Kong Anong gusto ni emman isa ako sa magpa ttoo na Kong tulong lang pag usapan kahit kailan di pinabayaan ni sir manny Ang anak niyan c emman.” Chika ng P.A.

Dagdag pa niya : “sana nmn po wag po kayu mang husga or husgahan man sila alam ko na nakapabait ng mag asawa Kong sa iba nga tumulong sila di nmn cgro Kailangan pa na ipa social media Kong Ano man Ang naitulong Nila sir manny at madam Jinkee Kay emman,,, Ikaw nmn sana emman alam mo sa sarili mo Kong gaano ka kamahal ng daddy mo! mahal na mahal ka ng daddy mo alam mo yan!”