Nagka-gulo ang Tulfo brothers dahil sa issue ni Raffy at Chelsea Ylore.
Pumalag si Ben sa naging pahayag ng kanyang kapatid na si Mon tungkol sa naging issue ni Raffy sa Vivamax star na si Chelsea Ylore.
Hindi lingid sa marami na naging usap-usapan online si Sen. Raffy Tulfo dahil sa blind item ng vivamax star na si Chelsea tungkol sa isang politiko na nagbibigay sa kanya ng TIP na umaabot sa P250k-P300k.
Ibinahagi ni Chelsea sa isang podcast na may kilalang politiko o senador ang masyadong generous sa kanya pagdating sa tip, nagsisimula raw ang pangalan sa ‘R’ at may letter ‘F’ raw sa apelyido.
Ani Chelsea : “Ay si senator, tip palang paldo na. Abot ng P250k-P300k [wala pang nangyayari].”
Dito na pumalag si Mon at sinabing wala namang problema kung totoo na nagbibigay si Raffy ng tip sa isang babae kung sariling pera naman nito ang ipinamimigay niya.
Say ni Mon : “Pero pagpalagay na natin na totoo: Eh, ano ngayon kung nambabae siya? Ang nakakahiya ay kung nanlalake ang kapatid ko gaya ng isang lalakeng mambabatas na mahilig sa basketbolista.”
Dagdag ni Mon : “Kung totoo man ang balita— granting but not admitting, ang sabi pa ng mga abogado— eh, ano ngayon? Kilalang galante [generous] si Raffy. Nakakapamigay siya ng daan-daang libo sa kanyang programang Raffy Tulfo In Action sa TV at radyo. Sa kanyang bulsa nanggagaling ang pera pinamimigay niya.”
Dito na sinupalpal ni Ben si Mon matapos naging magka-salungat ang kanilang paniniwala sa issue ngayon ng kanilang kapatid na si Raffy.
Panimula ni Ben : “Kung sino ang may isyu sa pamilya, siya lang ang magsasalita kasi siya ang may karapatang magsalita. Siya ang nadadawit. Hindi yung nakikiangkas ka lang, nakikisakay ka. Gusto mong sumakay sa pangalan dahil kapangalan mo, kaapelyido mo. Tulfo ka rin pero teka muna.”
Pagpapatuloy niya : “Kunsintidor ka! Kunsintidor ka sa mga gawaing mali! Yun ba yon? Tapos bibigyan mo ng dahilan na ang mali ay tama? Okay lang? Okay lang mambabae, huwag manglalake? Anong ibig sabihin nun?”
“Kung gawain mo at estilo mo, magwala ka hanggang gusto mo! Huwag mo kaming idamay! Huwag mo kaming isama sa ipagtatanggol mo dahil hindi ka tagapagtanggol namin. Marunong kami magtanggol!” bahagi ng pahayag ni Ben.



