Useless na o walang bisa ang passport ni Zaldy Co.
Ang pag-canceled kaya sa passport ng former ‘Ako Bicol Partylist’ Rep. na si Zaldy Co ang paraan para mahuli at makauwi na siya sa Pilipinas?
Hindi lingid sa marami na hanggang sa ngayon ay hindi parin umuuwi si Zaldy sa ating bansa matapos ang pagka-sangkot nito sa nakaka-kilabot na flood control scandal.
Walang epek rin ang naging panawagan ng kanyang anak na si Ellis Co matapos itong humiling sa kanyang ama na umuwi na ito para harapin ang mga isyung binabato sa kanya.
Bahagi ng pahayag ni Ellis : “I urge him to appear before the people and be accountable once and for all. I am not just speaking out against a politician; I am speaking out against my father.”
Kung ating babalikan, binasag ni Zaldy ang kanyang katahimikan kahit nasa ibang bansa parin ito, dito na niya dinamay ang Pangulo at ang dating house speaker na si Martin Romualdez.
Inutusan raw siya ni Romualdez na huwag munang umuwi sa bansa na mismong utos raw ng Pangulo.
Ani Zaldy : “Stay out of the country. You will be well taken care of as instructed by the President [BBM].”
Pagbabahagi ni Zaldy : “Pero ang hindi ko alam, ang ibig pala nilang sabihin sa aalagaan ka namin ay gagamitin ako bilang panakip-butas sa kanilang kampanya laban sa korapsyon. Ginawa nila akong poster boy ng kanilang sariling kasinungalingan.”
Ngunit ngayong araw, December 10, nagbahagi ng pahayag si Pangulong Bongbong Marcos na kanselado na ang pasaporte ni Zaldy.
Ani PBBM : “Maibabalita ko po sa inyo na ang passport po ni Zaldy Co ay kanselado na.”
May panawagan naman ang Pangulo na kung sakali raw na lumapit si Zaldy sa DFA o Department of Foreign Affairs o sa kahit na anong ahensya sa abroad ay dapat na agad ipaalam upang maibalik na ito sa Pilipinas.
Dagdag ng Pangulo : “Kung sakali man ay siya ay pupunta roon, ay i-rereport sa atin para naman maibalik natin siya dito sa Pilipinas.”




