Sumuko sa tanggapan ng NBI si Sarah Discaya bago ilabas ang kanyang warrant of arrest.
Usap-usapan ang pag-surrender ni Sarah Discaya sa NBI, siya ay sumuko bago paman ihain sa kanya ang kanyang warrant of arrest.
Kung ating babalikan, patung-patong na kaso ang isinampa sa mag-asawang sina Curlee at Sarah Discaya dahil sa korapsyon at mga anomalya sa flood control projects na ipinagkatiwala sa kanilang kompanya.
Mga kasong graft at malversation cases ang kinakaharap ng mag-asawang Discaya kaugnay sa P96.5 million na mga ‘ghost flood control project’ sa Davao Occidental.
Ang pag-surrender na ito ni Sarah ay naging hakbang niya bago pa ilabas ang kanyang warrant of arrest na unang inanunsyo ni Pangulong Bongbong Marcos kamakailan.
Ani PBBM: “Inaasahan na rin nating lalabas ang warrant of arrest na ni Sara Discaya itong linggong ito at hindi na rin magtatagal ang pag-aresto sa kanya.”
Marami naman sa mga netizens ang humanga at natuwa sa pagsuko na ito ni Sarah, anila na mas may ‘bayag’ pa raw ito kaysa kay Sen. Bato dela Rosa na nagtatago diumano ngayon sa ICC.
Ani ng netizen : “Mas may bayag pa ito kesa Bato.”
Dagdag pa ng isa : “Kahit marami ka pera wala ka naman peace of mind ….. u know where the money came from kahit anong alibi mo …. Dirty money is dirty money. gaya ni Bato nagtatago na.”
Hindi lingid sa marami na lumabas na ang warrant of arrest ni Bato dela Rosa mula sa ICC, ito ay mula sa kasong isinampa sa senador dahil may kaugnayan ito sa ‘war on drugs’ o ‘oplan tokhang’ na ipinatupad ng dating pangulo na si Rodrigo Duterte noong 2016-2018.
Chika ng netizen : “kung talagang totoong may warrant ang ICC..Bkit hindi sila ang pupunta d2 para hulihin si sen bato. bat kylangan pang ihatid dun ng kapwa pilipino at isakay sa iroplano. mayroon nmang kulungan d2 at d2 dapat nlang siya ikulong.sa bayan natin.”




