Ano ang dahilan kung bakit nagwala si Rowena Guanzon sa Rockwell Power Plant Mall?
Viral sa social media ang video na pagwala ni former comelec commissioner na si Atty. Rowena Guanzon sa Rockwell Mall sa Makati City.
Sa pagbabahagi ni Guanzon, napahiya umano siya matapos siyang pagsabihan ng isang mall goer dahil sa kanyang pag-ubo.
Ani Rowena : “Nag-reklamo po talaga ako sa police and filed a case for unjust vexation and grave oral defamation last night. Sabi ba naman niya sa‘kin sa Rockwell Mall na, ‘You’re coughing, you should leave the mall, you should stay at home.’ Doon ‘yun nagsimula.”
Dagdag pa niya : “Sabihan ka ba naman, ‘Don’t you have money to buy a mask?’ Bawal pala sa kanya kahit umubo ka nang minsan kahit nasa Rockwell Mall ka.”
Sa naturang viral video, makikitang galit na galit si Rowena sa dalawang mall goer at nagawa pa nitong murahin ang dalawa.
Sigaw ni Rowena sa video : “If you are sick, you two should go home! Why are you here if you are sick? Who is this, is this your husband? He is stup!d, an ignoramus. Putangina niyo! Hindi ka nga naka-rolex, naka Gucci. Ako pa pinili mo? What’s your name?”
Dagdag pa niya : “Ako pa ang pinili mo? No, I want your name, get his name.”
Nilinaw naman ni Rowena na hindi talaga siya maoy o agad na nagwawala kung walang dahilan lalo na kung nasa public places, maliban nalang kung ito raw ay nasa sukdulan level na.
Say niya : “Alam niyo naman ako? Hindi naman ako nagagalit kung hindi talagang sukdulan ang injustice o ang mali ‘diba. Hindi naman pwedeng palampasin ‘yun ‘yung ‘pag inaalipusta ka na.”
Dagdag pa niya : “Dine-defend ko nga ibang tao pag ginaganon sila, sarili ko pa kaya?”

