Masaya si Tom Rodriguez para sa kanyang ex-wife na si Carla Abellana.
Nagbigay ng kanyang pahayag ang aktor na si Tom Rodriguez tungkol sa engagement ni Carla Abellana na naging usap-usapan sa social media.
Hindi lingid sa marami na nalalapit na ang kasal ni Carla Abellana sa kanyang highschool ex na isang doktor. Naging usap-usapan ito sa social media matapos ibandera ng aktres ang kanyang engagement ring sa IG noong Dec. 1 , 2025.
Caption pa ni Carla : “Jeremiah 29:11: “\’For I know the plans I have for you,\’ declares the LORD, \’plans to prosper you and not to harm you, plans to give you a hope and a future.\’”.
Sa isang media conference naman, naitanong sa ex-husband ni Carla na si Tom Rodriguez kung ano ang kanyang reaksyon sa nalalapit na kasal ng aktres.
Aminado si Tom na narinig at nakarating na sa kanya ang bali-balita, aniya na masaya siya para kay Carla.
Pagbabahagi ni Tom : “Recently ko lang nalaman because of this mediacon. And when I heard nga, it’s an honest reaction, I wish her well. I wish them well. And, yeah, I’m glad that, youk now, that everyone is moving on… I wish them well.”
Dagdag pa niya : “Everyone deserves happiness, and we all deserve to be happy, and I’m glad we’ve all finally moved on.”
Hindi lingid sa marami na divorced na si Carla sa kanyang estranged husband na si Tom Rodriguez, ito ay binigyang bisa ng korte noong June 2024.
Dahil walang divorce sa Pilipinas, ginamit ni Tom ang pagiging US citizen niya at inasikaso niya ito sa United States noong June 2022.
Agad naman na nag-filed si Carla sa ating bansa ng petisyon upang bigyang bisa ang divorce request nila ni Tom sa Amerika, dito na tinanggap ng korte ang hiling nilang dalawa at tuluyang natapos ang relasyon nila bilang mag-asawa.
Nakatakda naman na ikasal si Carla sa kanyang fiancé na si Dr. Reginald “Reg” Santos sa darating na December 27, 2025. Silang dalawa ay dating high school sweethearts.



