Paano bayaran ang mga utang?

Isa ka rin ba sa baon o lubog sa utang? alamin kung paano mo bayaran ang mga ito.

Alamin kung paano mo bayaran ang lumulubong mga utang mo at kung saan ka magsisimula upang maging debt free ka na.

Sa panahon ngayon, mas mabilis nang maka-utang ang isang tao dahil sa internet. Maaari ka nang mag-apply ng kahit na anong loan online.

Ngunit paano kung mahihirapan ka nang magbayad dahil sa mga patung-patong na bayarin? dito na papasok ang tinatawag na ‘out of budget’ dahil ang sahod mo o ang pera mo ay hindi na sasapat sa lahat ng bills mo.

Sasabayan pa ‘yan ng electricity, water, internet at kahit na anong bills na dapat bayaran buwan-buwan.

Paano nga ba simulan ang pagbabayad ng utang?

Una, wag mo munang dagdagan ang utang mo. Wag mo ipambayad sa utang ang iyong inutang dahil sa ganitong paraan ay mas lalo ka lang na mababaon sa utang.

Pangalawa, priority mong bayaran ang mga utang na malapit na ang due date para maiwasan ang dagdag penalties o late payment charges. Kung ito ay bayad na, antayin ang sahod o kung may pera na inaasahan ay huwag mo nang i-renew.

Ito ay paraan upang mabawasan na ang mga active loans mo at hindi na magpapatung-patong pa ang mga interests.

Paano kung ang lahat ng utang ay past due na?

Una, iyong ilista ang lahat ng utang mo na hindi na binayaran ng ilang buwan o taon, dito mo malalaman kung ano ang dapat mong unahin para maayos mo na ang iyong credit score o record sa CIC o Credit Information Corporation.

Maaari ka rin na mag-request ng iyong credit records sa Transunion, Cibi etc. para makita mo ang mga loans na past due na kailangan mong bayaran.

Example, kung ikaw ay may past due na loans gaya ng P3000, P15,000 at P25,000, unahin mo o magsimula ka muna sa maliit na halaga. Bayaran mo muna ang P3,000 at isunod mo ang P15,000, pang huli ay ang P25,000.

Sa ganitong paraan ay hindi ka mahihirapan na bayaran ang mga ito ng isang bagsakan, kahit paunti-unti na pagbabayad makikita ng mga lenders na ginagawa mo parin ang obligasyon mo.

Paano bayaran ang mga utang mo sa bangko gaya ng cash loans o credit card?

Una, alamin mo ang principal amount na inutang mo sa kanila, dito ka na mag-inquire sa bangko kung magkano na inabot o tinubo ng utang mo sa kanila.

Maaari kang mag-request na ma-waive ang mga interests at penalties sa utang mo para ang babayaran mo nalang ay ang principal amount lang ng inutang mo.

Once nabayaran mo na, mag-request ka sa bangko ng certificate of full payment bilang patunay na bayad ka na sa obligasyon mo sa kanila.

Gayundin sa credit card, maaari kang mag-request na ipa-waive ang mga penalties o interests upang mas magaan ang pagbabayad, priority mo rin na bayaran muna ang mga maliliit na halaga.

Note : Bago ka makipag-transact sa mga bangko, siguraduhin mo na may pambayad ka na sa principal amount na hiniram mo sa kanila.