Isa ka rin ba sa naging biktima ng Telegram scams?
Marami sa mga netizens ang nagiging biktima ng tinatawag na Telegram scams sa panahon ngayon, nagsisimula ito sa pay per tasks at iba pa.
Paano nagsisimula ang Telegram task scam?
Kung ikaw ay may active Telegram account, dito na nagsisi-labasan ang tinatawag natin na mga ‘work via tasks scams’, sa umpisa ay may magpapadala sayo ng isang private message, kung interested ka ba na magkaroon ng side hustle o extra income kahit nasa bahay lang.
Magbibigay sila ng offer kung magkano ang kikitain mo sa bawat tasks na ibibigay nila, dito kana ipapasa sa isang account manager at ipapasok ka nila sa isang GC o tinatawag nilang tasks group chat.
Sa aming experience, babayaran ka nila ng 10, 15, 20 hanggang 200 pesos sa bawat follow mo sa isang online store, kasabay nang pag-follow mo sa mga online stores ay makaka-tanggap ka ng bayad.
Kung ang naipon mong funds mula sa pag-follow sa mga online stores ay aabot na sa 300 to 350 pesos. Pwedi mo na itong ma-cash out sa pamamagitan ng iyong digital wallet.
Nilalapag ng mga admins ang links ng online stores na dapat mong e-follow, pagkatapos mo itong ma-follow ay kukunan mo ito ng screenshots as proof na natapos mo na ang binigay nilang tasks.
Ang pagsisimula ng Telegram scams.
Ito ang catch na dapat ay makita mo as red flag.
Sa bawat follow mo sa mga online stores ay may iba’t-ibang rates. 10-30 pesos para sa mga newbies, kung gusto mo raw na tumaas ang rate mo sa bawat follow mo ay kailangan mong mag-pasok ng 5,000 to 50,000 sa isang investment.
Kung hindi mo nagawa ang pag-invest ng libo-libo ay bababaan nila ang rate mo sa 7 pesos kaya mahihirapan ka na mag-ipon ng 350 pesos para ma-cash out mo ang funds mo.
Kung ikaw ay papayag sa alok nila, magiging 200 pesos na ang rate mo sa bawat isang online store na efo-follow mo.
For example, sa isang araw ay may 75 online stores sila na ipapa-follow sayo. Kung ikaw raw ay magpapasok ng 5,000 to 50,000 pesos ay kikita ka ng 200 follow rate x 75 online stores = 15,000 pesos per day.
Too good to be true right? base sa mga na-scam at nahulog sa kanilang mga patibong, bigla nalang silang na banned o tinanggal sa naturang group chat matapos mag invest ng 5,000 – 50,000 pesos.
Hindi lang sa pagfo-follow sa mga online stores ang Telegrams task scams dahil may mga uri rin kagaya na lang sa pag-invest at pag-pasok ng pera sa mga bitcoins websites at nagdo-doble diumano ang cash-ins mo.
Wag maniwala sa mga ganitong scams online, mag-ingat.


