Pina-ampon pala si Angeline Quinto ng kanyang biological mother na si Nanay Susan sa halagang P10k.
Usap-usapan online ang panayam kay Angeline Quinto ni Ogie Diaz matapos ibahagi ng singer at aktres na siya ay pina-ampon ni Nanay Susan.
Pagbabahagi ni Angeline na matapos siyang ipa-ampon ni Nanay Susan sa kanyang Mama Bob ay naka-tanggap ang kanyang tunay na ina ng pera na nagkaka-halaga ng P10,000.
Aniya : “‘Yun lang ba ‘yung halaga ko? Pero kasi pag naririnig ko yung ganyan nangyari sa buhay ko, parang pinagsasalamat ko nalang din kasi kung hindi dahil kay Mama Bob, baka hindi ako buhay ngayon.”
Chika pa ni Angeline na ang kanyang biological mother na si Nanay Susan ay pangarap at balak na sanang pumunta sa Japan kaso bigla itong nabuntis.
Dito na napag-desisyunan ng kanyang ina na ipa-laglag si Angeline para matuloy lang ang kanyang pangarap na makapag-Japan.
Pagpapatuloy ni Angeline : “‘Nung time na buntis siya sa akin at dinadala niya ako, gusto niya mag Japan so hindi na tuloy dahil nga nabuo ako. So ‘yun yung parang gusto niyang gawin [ipalaglag ako] parang magiging sagot, para daw matuloy yung pag Ja-japan. Eh nalaman ng Mama Bob, pinigilan niya.”
Malaki ang pasasalamat ng aktres na si Mama Bob ang naka-ampon sa kanya dahil tinuring talaga siyang tunay na anak. At nailigtas siya sa balak na abortion ng kanyang biological mother.
“Ako ‘yung swerte dahil si Mama Bob yung naging nanay ko kasi hindi naman alam ng lahat na binalak ako ipa-abort ng biological mother ko at si Mama Bob yung nagligtas sa akin.” say ni Angeline.
Dagdag pa niya : “Marami daw siyang dinadala na problema nung time na ‘yun kaya niya nagawa ‘yun. Hindi sila okay ng tatay ko kaya ako ibinigay kay Mama Bob.”
Si Mama Bob o Sylvia Quinto ay tiyahin ng ama ni Angeline, kaya kahit ito ay kanyang adoptive mother ay magka-dugo parin silang dalawa.
Si Mama Bob ang nag-palaki kay Angeline hanggang sa pumanaw ito taong 2020.
Marami naman sa mga netizens ang nagbigay ng kanilang mga reaksyon tungkol sa life story na ito ni Angeline.
Anila : “Pinanganak si Angeline noong 1989, ang P10,000 noon ay katumbas na ng around P157,000 ngayon. So, P157,000 ang halaga ni Angeline, ‘di na masama.”
Dagdag pa ng isa : “1950s dn naman kasi un angge. laking halaga na nun nung time.”

