Canvalook, Gcash scam? mag-ingat.

Isa ka rin ba sa nabawasan ng P949 sa iyong Gcash dahil sa Canvalook scam?

Marami sa mga Gcash users ang nababahala matapos bawasan ang kanilang pera ng P949 o higit pa dahil sa Canvalook Gcash scam.

Tinatawag pa nila itong malaking scam dahil hindi naman nila maalala na nag-subscribed sila sa naturang AI App o Photo Editing app.

Ang Canvalook ay magkaiba at hindi affiliated sa sikat na photo app na Canva.

Ani pa ng isang biktima : “CANVALOOK SCAMMER ALERT! Andaming na scam nito. daming nagrereklamo Hindi ako nagsusubscribe sayo.Pumindot lang ako sa mga AI mong pictures Kinaltasan mo ako ng 2 pesos. Yun na pla nakuha mo gcash number ko. Lesson learned,huwag magpipindot basta basta..”

Paano makaka-iwas sa ganitong unexpected charges sa iyong Gcash wallet?

Iwasan ang pag-link ng iyong Gcash sa iba’t-ibang uri ng mga apps o editing apps na nakikita mo sa mga social media Ad o Advertisements.

Marami sa mga apps na ito ay nag-ooffer ng 7, 14 o 30 days free trial bago ka tuluyan na bawasan ng isang whole month subscription.

After mo kasing ma-click ang isang Ad ay magkakaroon ng redirection papunta sa mismong APP nila, download o install the app o dadalhin ka sa mismong website nila, dito na sila mag-ooffer na isang free trial kung saan kailangan mong e-link ang iyong Gcash o digital wallet na walang babayaran.

Matapos ang araw ng free trial, dito na sila magbabawas ng isang full month subscription sa iyong Gcash o digital wallet na hindi mo inaasahan.

Paano mo ma-unlink ang iyong Gcash o ibang wallet sa mga apps?

Kung ikaw ay Android user :

  • Pumunta ka sa Play store
  • Click mo ang iyong profile picture
  • Select Payment and Subscriptions
  • Subscriptions

Kung ikaw ay IOS user :

  • Pumunta ka sa App Store
  • Click mo ang iyong profile picture
  • Select Subscriptions

Dito mo makikita ang mga apps kung saan ka nagkaroon ng mga subscriptions na kung saan maaaring mabawasan ang laman ng iyong Gcash o digital wallet.

Paano mag-request ng refund?

Ang pag-request ng refund ay maaaring makipag-ugnayan sa mismong app kung saan ka mismo nabawasan o nagkaroon ng unexpected debit.

Maari ka rin na tumawag sa mga hotline ng digital wallet mo.

GCASH :

  • For Globe and TM Mobile Subscribers : Call 2882 (toll-free)
  • For Globe Landline Users : Call (02) 7213-9999 (toll-free)

MAYA :

  • Maya Customer Hotline: (+632) 8845-7788
  • Domestic Toll-Free: 1-800-1084-57788 (for PLDT landlines)
  • For Smart/TNT mobile numbers: 15177
  • Merchant Hotline (for Maya Business concerns): (+632) 8845-7700)

Note : Ang pag-request ng refund ay hindi 100% successful, lalo na kung makikita ng Gcash o Maya na valid ang iyong subscription. Try mo lang na magpa-refund.