Bakit nagawang kasuhan ni Kim Chiu ang sarili niyang kapatid na si Lakambini?
Usap-usapan si Kim Chiu matapos niyang kasuhan ang kanyang sister na si Lakam o Lakambini dahil sa serious financial discrepancies.
Kung ating babalikan, August 2025 napansin ng mga netizens na hindi na naka-follow sa isa’t-isa sina Kim at Lakam sa Instagram, hindi naman isina-publiko ang tunay na dahilan not until today Dec. 2, pormal nang nag-sampa ng kaso ang aktres laban sa kanyang kapatid.
Base sa mga ulat, nagkaroon ng serious financial discrepancies sa isa nilang business ventures, aminado naman si Kim na ito ang isa sa pinaka-mahirap na desisyon na kanyang gagawin o “most painful steps she has ever taken in her life’.
Pagbabahagi ni Kim : “After careful consideration and months of internal review, I have made the difficult decision to file a legal case for qualified theft against my sister, Lakambini Chiu, in relation to serious financial discrepancies discovered within my business operations. This decision did not come easily. It is one of the most painful steps I have ever taken in my life.”
Ani pa ni Kim, matapos ang ilang buwan ay napag-desisyunan na niyang mag-sampa ng kaso laban kay Lakam upang protektahan ang kanyang negosyo at ang mga taong nagtatrabaho para sa kanya.
Dagdag pa ng aktres : “to protect not just my company, but also the livelihoods of the people who work with me”.
Marami naman sa mga netizens ang nagsasabi na minsan, sa tunay na buhay ay hindi na kapani-paniwala ang katagang ‘blood is thicker than water’ tinawag pa nila itong ‘sad reality’ ng buhay.
Ani ng netizen : “Kaya Minsan..di totoo yung kasabihang blood is thicker than water… Kase minsan kadugo mo ibabagsak ka,..lolokohin ka at tatarakan ka ng itak patalikod..sad reality.”
“Apakalaking pera siguro ang nawala kaya ganun na lang din nya idemanda lalo sa pinag paguran ni kim sa ilang taon na pag tatrabaho.”
Dagdag pa ng isa : “Lalabas na naman yung mga taong pamilya mo yan, kadugo mo yan bandang huli sila din matatakbuhan mo pag walang Wala ka na. Yung ganyan na mindset madaming naaabuso at naloloko dahil diyan. Kung sobra na sa sobra hahayaan na lang?”




