Herlene Budol, nagsalita na matapos tanggihan ni Bea Borres.

Nagsalita na si Herlene tungkol sa issue nila ni Bea Borres.

Naglabas ng kanyang pahayag si Herlene Budol matapos naging issue ang pagtanggi sa kanya ni Bea Borres na maging ninang ni Baby Pea.

Hindi lingid sa marami na buntis ngayon si Bea at nagkaroon sila ng collaboration vlog nina Herlene at Alex Gonzaga kamakailan.

Dito na nabanggit ni Herlene na gusto niya maging ninang ng anak ni Bea, ngunit agad ni-reject ni Borres ang offer ni Budol na hindi nagustuhan ng mga netizens.

Ani Herlene : “Uy, kunin mo ’kong ninang.”

Sagot ni Bea : “Puno na yung list, eh.”

Hirit pa ni Alex Gonzaga : “Imagine, siya na yung nag-alok, tinurn down mo pa.”

Agad na nag-viral ang clip na ito mula sa kanilang vlog na tila umani ng samu’t-saring komento mula sa mga netizens.

Ani ng netizen : “Napanood ko ito kagabi, nasaktan ako for Herlene. Isipin mo, siya na nagkusa maging ninang pero tinanggihan. Hindi ako supporter or basher ni Bea ha, basta masakit yun for Herlene.”

November 30, naglabas ng isang video si Herlene sa kanyang social media at nilinaw nito ang tungkol sa issue nilang dalawa ni Bea.

Panimula ni Herlene : “So ang reaksyon ko sa vlog ni Ate Alex at Bea Borres, is okey lang naman, kasi ang daming nahu-hurt para sakin kasi nag volunteer ako bilang ninang pero di ako kinuha.”

Paglilinaw ng beauty queen na okay lang rin na hindi siya kinuha ni Bea bilang ninang dahil hindi niya kayang i-spoil si Baby Pea dahil hindi niya kayang bumili ng mga mamahaling bagay.

Wika niya : “Okey lang ‘yun kasi marami naman akong inaanak kahit hindi ko kilala, wala rin akong ambag bilang ninang, Tama din yun, hindi ko sya kayang spoilin, hindi ko sya kayang bilhan ng mga mamahaling bagay bagay.

“Pero sisiguraduhin kong kaya ko syang protektahan, yung protekta ko kay Ate Alex kahit pa with or without video hindi ko na kailangan patunayan pa yun.” ani Herlene.

Sa huli, nagpasalamat si Herlene sa mga netizens na nagtatanggol sa kanya at sinabing wag na gawing big deal ang nangyari dahil nasaktan man siya ay matagal na raw siyang nasasaktan.

“‘Yun lang wag kayong ma-hurt para sakin kasi matagal na ‘kong nahu-hurt. Thank you so much sa mga concern sakin, sa aking feelings.”

Dagdag pa niya : “Lesson learned tama kayo, wag kayong magvo-volunteer, accept ko lang din na hindi palaging papabor sayo ang panahon.”