Arjo Atayde, umiyak sa interview.

Nilinaw ni Arjo Atayde na siya ay inosente sa flood control issue.

Emosyonal si Quezon City First District Representative Arjo Atayde matapos tanungin ng media ang tungkol sa flood control projects issue.

Kung ating babalikan, isa si Arjo sa mga nadamay sa flood control scandal matapos maglabas ng listahan ang mag-asawang sina Curlee at Sarah Discaya sa senado.

Ani Curlee : “After we won the bidding, some DPWH officials [and Congressman] approached us to ask for and take their share of the project amount.”

Dagdag pa : “Actually po, yung tulong na tinext ko sila at chinat, yun po ang halaga ng dapat isauli nila sa amin, yung balanse pa po, for sample po, yung katulad kay Cong. Arjo Atayde po, bale PHP60 million po ang sinabi ko sa chat ko.”

November 25, sumipot sa tanggapan ng ICI o Independent Commission for Infrastructure ang asawa ni Maine Mendoza upang linisin at bigyan ng linaw ang pagkadawit nila ng kanyang ama na si Art Atayde sa flood control scandal.

Paglilinaw ni Arjo : “It’s all hearsay po, kasi until now, I said, baka mas mabuti po bago po magturo, eh, ibigay po muna sa akin ang ebidensiya laban sa akin.”

Wika pa ni Arjo, simula raw na madawit siya at ang kanyang ama sa korapsyon ay walang ebidensya na inilabas laban sa kanila na nagpapatunay na totoo ang nasa listahan ng mga Discaya.

Aniya : “Since September 8, they haven’t given out anything against me or my father. And my father is also willing to go through the investigation,

“Wala po kaming itinatago, hindi ako magtatago, hindi ako iiwas, hindi ako lilipad ng ibang bansa. I am here to thoroughly go to the investigation to fight for my innocence and to..” dagdag niya.

Dito na itinigil ng mga reporters ang pagtatanong kay Arjo matapos nilang mapansin na naging emosyonal na ito.

Marami naman sa mga netizens ang hindi parin naniniwala na inosente si Atayde sa mga anomalya sa flood control projects na patuloy parin na pinag-uusapan sa social media.

Ani ng netizen : “Remember, makalusot man sa mata ng tao, maging malinis pa din sa mata ng Diyos. Isoli at magsisi sa kasalanan. Lahit gaano pa kahirap.”

“noong d pa nasusunog DPWH ofis tahimik na tahimik mgayon lakas na ng loob, IBA KA TALAGA.”

Dagdag pa ng isa : “No more evidence dahil nasunog Ang DPWH building hehehe. Case Dismissed.”