How true ang chika na hiwalay na si Clyde sa kanyang new girlfriend na si Airha Shane Lee?
Usap-usapan sa social media ang sunod-sunod na mga post ng new girlfriend ni Clyde Vivas na tila nagpapahiwatig sa break up nilang dalawa.
Hindi lingid sa marami na hiwalay na ang binata kay Lars Pacheco matapos ang 7 years. Unang ipinakilala ni Clyde si Airha bilang new gf niya sa Youtube program ng talent manager na si Ogie Diaz.
Pagbabahagi ni Lars : “7 years it was [heart emoji], No regrets just memories made. I wish you healing. I wish myself forgiveness [heart emoji].”

Matapos ipakilala ni Clyde ang bagong nagpapatibok sa kanyang puso ay tila lumabas ang mga balitang hiwalay na sila matapos ang ilang buwan nilang relasyon.
Nagbahagi si Airha ng isang video sa kanyang social media na umiiyak at tila kinumpirma nito ang hiwalayan nila ng ex ni Lars na si Clyde Vivas.
Aniya : “The tears say it all we’re not together anymore. I’m not ready to talk about what happened, because remembering everything still hurts so much. In time, things will make sense. To everyone messaging me, I’ll be okay. I’ll get through this.”
Dagdag pa niya : “I’ll talk about it when the time feels right, but not now.”
Marami naman sa mga netizens ang napakomento na tila ginawa lang si Airha na rebound ni Clyde matapos ang break up nila ni Lars.
Ani ng netizen : “At ginawa nga syang rebound hayss rest your heart mi.”
“Ay alam mo namang panakipbutas ka lang dba? Mahal nya pa kasi c lars.”
Dagdag pa ng isa : “hirap tlga mag mahal ng tao na galing sa break up kase ikaw lang ang masasaktan kaya mo yan madami pang lalaki na pwdeng mag mahal sayo.”
Kung ating babalikan, binigla ni Lars ang kanilang mga tagasuporta sa social media noong August 20, matapos nitong ibahagi online ang tungkol sa break up nila ni Clyde, ayon pa sa transgender pinay na wala siyang pinagsisisihan sa naging relasyon nilang dalawa.
Marami naman sa mga netizens ang nagsasabing baka raw ay nagka-balikan na sina Clyde at Lars pero hindi pa ito kinukumpirma ng dalawa.



