Derek, kinulam kaya nagloko sa relasyon nila ni Ellen Adarna.

How true na kinulam raw si Derek Ramsay ng kanyang ex-girlfriend kaya nagkaroon siya ng side chick?

Usap-usapan parin online ang tungkol sa break up nina Derek Ramsay at Ellen Adarna dahil sa cheating at side chick ng aktor.

Hindi lingid sa marami na naglabas si Ellen ng mga resibo sa kanyang IG stories noong Nov. 17 tungkol sa pangangaliwa ng kanyang asawa na si Derek Ramsay na nalaman lang niya 3 weeks ago.

Sa naturang mga screenshots, mababasa ang pangungulit ni Derek sa kanyang side chick. Nabanggit din sa usapan ang isang coach, na posibleng fitness coach na tila pareho silang pumupunta sa iisang gym.

Marami naman sa mga netizens ang napatanong kung sino ang babaeng kausap ni Derek na mababasa sa mga screenhots.

Matapos maglabas ng mga resibo si Ellen, sunod sunod ang kanyang mga rebelasyon tungkol sa issue nilang dalawa ni Derek.

Pagbabahagi pa ng aktres na kahit kailan ay hindi raw nag-sorry o humingi ng tawad ang aktor sa kanya tungkol sa pagtataksil nito sa kanilang relasyon.

Chika ni Ellen : “He blames everything, everyone, but himself. He was able to convince his friends and people that it’s [about] my postpartum. He’s convinced that an ex-girlfriend made him kulam. All of a sudden there was this bowl of salt with garlic in it.”

Dagdag pa ng aktres : “Me and my friends, and helpers before were like ‘oh, like ano ‘to? Bakit ganyan? Bakit may salt? Bakit may bowl of salt with garlic?’ and then sinabi nung isang katulong ‘ay pinalagay diyan [ni Derek] kasi baka may nang-kulam’ so parang pang anti-kulam.”

Samantala, marami namang netizens ang hindi na raw nagulat sa umano’y pangangaliwa ni Derek, dahil kung pagbabasehan ang mga nakaraang relasyon nito, matagal na raw itong may reputasyon bilang babaero.

Matatandaang ikinasal sina Ellen at Derek noong November 11, 2021 matapos lamang ang ilang buwang relasyon. Isinilang naman ni Ellen ang kanilang anak na si Lili noong October 2024.