Isang BINI fan pala ang anak ni Manny Pacquiao na si Eman Bacosa.
Si Eman ay anak ng pambansang kamao na si Manny Pacquiao kay Joanna Rose Bacosa na dating waitress sa Malate, Manila.
Inamin ni Eman Bacosa Pacquiao na may paghanga siya kay BINI Mikha at matagal na raw siyang BINI fan o isang ‘Bloom’.
Usap-usapan kasi sa X [dating Twitter] ang komento ni Eman sa isang TikTok video ni BINI Mikha na tila bias nito ang dalaga.
Komento ni Eman : “Idol lang po guys dati pa kasi ako nakikinig ng BINI walang malisya God bless po guys [heart emoji]”
Say ng Fan account ni Mikha : “Natutuwa talaga ako kay Eman Pacquiao at mukhang bias niya si Mikha Lim hahaha Ang cutieee lang dahil matagal na siyang nakikinig ng BINI.”
Agad naman na nilinaw ni Eman ang kanyang mga komento sa mga TikTok videos ni BINI Mikha at aniya’y walang malisya ang paghanga niyang ito sa dalaga.
Paglilinaw ni Eman : “Guys sa mga nag tatanong humahanga lang po ako kay [BINI] mikha yun lang po walang malisya, God Bless.”
Kung ating babalikan, umingay ang pangalan ni Eman matapos itong magwagi sa boxing kontra kay Nico Salado ng Bohol sa naganap na ‘Thrilla in Manila 2’ sa Smart Araneta Coliseum, Cubao noong October 29.
Ani pa ng mga netizens na mukhang si Eman na ang next Manny Pacquiao dahil sa lakas din nitong sumuntok at tila siya na ang magpapatuloy sa legasiya ng kanyang ama sa mundo ng boxing.




