Magkaka-baby na sina Anthony Leodones at Jamie Bautista.
Masayang ibinahagi ng mag-asawang content creators na sina Anthony Leodones at Jamie Bautista sa kanilang followers na magkaka-anak na sila.
Sina Anthony at Jamie ay mga kilalang couple vlogger sa bansa. Matagal na silang magkarelasyon mula pa noong teenagers pa sila.
Lumaki silang magkasama, nag-asawa, at nagpatuloy sa paggawa ng content na sinusubaybayan ng milyon-milyon.
Ngunit tulad ng ibang couples, dumaan din sila sa mabibigat na pagsubok, kabilang dito ang pag-amin noon ni Anthony na siya ay nagloko, na naging dahilan ng hiwalayan nila noong February 2024.
Ilang buwan ding naghiwalay ang dalawa hanggang sa muling nagkabalikan.
Pinili nilang magpatawad, ayusin ang sarili at ang relasyon nila.
At bago matapos ang 2025, isang napakagandang biyaya nga ang dumating sa kanila matapos nilang malaman na buntis si Jamie.
Inanunsyo nina Anthony at Jamie ang masayang balita sa social media sa pamamagitan ng isang madamdaming video.
Makikita ang compilation ng kanilang old clips noong teenagers pa sila, mga masasayang memories bilang magkasintahan.
Hanggang sa sandaling natuklasan nila na magiging parents na sila.
Ibinahagi ni Jamie na matagal nilang iningatan ang balita dahil gusto muna nilang masigurong maayos ang lahat.
Para sa kanya, ang pagbubuntis na ito ay isang answered prayer at umaasa siyang maging inspirasyon ito sa iba na gustong maging magulang.
Aniya : “Answered prayer!! guys! Baby dust sa lahat ng gusto na maging mommy!! In God’s perfect time.”
Inihayag naman ni Anthony kung gaano kabigat ang mga pinagdaanan nila bilang mag-asawa.
Aminado siyang may mga panahong halos sumuko na sila sa lahat, pero ngayon, mas ramdam niya ang “plot twist” na ibinigay sa kanila.
Ipinangako rin niyang aalagaan niya si Jamie at ang kanilang baby.
Aniya : “Salamat Lord, iba’t ibang pagsubok hinarap namin ng asawa ko at may mga panahong gusto na namin sumuko sa lahat ng mga pangarap na meron kami. Pero iba ka talaga magbigay ng plot twist Lord.”
Mensahe niya kay Jamie : “Mahal Jamie, mahal kita noon at ngayon at sa mga susunod na taon. Aalagaan at iingatan ko kayong dalawa ni baby. Gagawin ko ang best ko lahat para sa inyo, love you.”
Bumuhos naman ang pagbati sa social media mula sa kanilang followers at mga kaibigan.
Isa sa pinakamasaya para kina Anthony at Jamie ay ang vlogger-actress na si Toni Fowler na isa sa kanilang pinakamalapit na kaibigan.

