Ipinakilala ang aktres na si Andrea Brillantes as the new calendar girl ng Tanduay.
Muling umingay ang pangalan ni Andrea Brillantes matapos itong ipinakilala bilang Tanduay Calendar girl para sa taong 2026.
Kung ating babalikan, naging usap-usapan ang chismis na lilipat si Andrea sa GMA Network ngunit kalaunan ay pumirma si Brillantes ng kontrata sa TV5 sa ilalim ng MQuest Ventures.
Tila sunod-sunod naman ang blessings na natatanggap ng aktres matapos siyang ipinakilala bilang new calendar girl ng isang sikat na alcoholic beverage kahapon Nov. 14 sa isang event place sa Quezon City.
Pagbabahagi pa ni Andrea, gulat na gulat siya matapos niyang matanggap ang offer o alok na maging isang calendar girl at bigla siyang napatanong kung ready na ba talaga siya.
Say ni Andrea : “I was shocked at first as in napaisip ako. Weh, talaga ba? napaisip ulit ako, wait, ready na ba ako? Ready na ba yung mama ko, yung lola ko na nandito sila ngayon. Sorry Mama, hi! Ready na ba yung [mga] fans ko? Kasi syempre lumaki ako, like, sa screen. Nakita nila ako bagets pa.”
Sobrang excited rin si Andrea kaya agad niyang tinanggap ang offer dahil ang mga kagaya nitong proyekto ay panibagong milestone sa buhay niya.
Wika ni Andrea : “But then, I got very super excited kasi I knew that this is something that I can do and I also wanted to do. I knew that I was ready. I am really happy to be here. This is such an honor and a huge milestone for me.”
Marami naman sa mga netizens ang masaya para sa panibagong achievement na ito ni Andrea, say pa ng netizen na bagay na bagay raw sa aktres ang maging calendar girl dahil mukhang barbie raw ito sa personal.
Wika ng netizen : “She’s very pretty talaga. Lalo yung isang vid nakita ko kasama si Darren ang ganda parang barbie doll.”
“The Most Beautiful Calendar Girl of Tanduay Rhum face and body wow and young and fresh. My girl ANDREA BRILLANTES.”
Dagdag pa ng isa : “Penge nga isang calendar ng tanduay HAHAHAHA yung may litrato ni Blythe huhu.”
Nakaraan rin ay viral sa social media ang Halloween Costume ni Andrea Brillantes na nag-transform bilang black cat sa “New Nocturnals” event sa Makati City.




