Binasag na ni Zaldy Co ang kanyang katahimikan sa pamamagitan ng isang video statement.
Naglabas ng isang video statement si former Ako Bicol Partylist Representative na si Zaldy Co matapos madawit sa flood control scandal.
Hindi lingid sa marami na lumipad siya papuntang Amerika para sa isang medical check up. Dito na nanawagan ang anak niyang si Ellis Co na umuwi si Zaldy sa Pilipinas para harapin ang mga akusasyon laban sa kanyang ama.
Balak raw niyang umuwi pagkatapos ng SONA ni PBMM ngunit nakatanggap siya ng isang tawag mula sa dating house speaker na si Martin Romualdez.
Ani raw ni Romualdez : “Stay out of the country. You will be well taken care of as instructed by the President [BBM].”
Agad niya umanong sinunod ang utos ni Romualdez at ni PBBM na huwag muna siyang umuwi sa bansa, ngunit ginawa raw siyang panakip-butas o ‘scapegoat’ para siya ang madiin sa korapsyon ng flood control projects.
Pagbabahagi ni Zaldy : “Pero ang hindi ko alam, ang ibig pala nilang sabihin sa aalagaan ka namin ay gagamitin ako bilang panakip-butas sa kanilang kampanya laban sa korapsyon. Ginawa nila akong poster boy ng kanilang sariling kasinungalingan.”
Wika pa niya : “Ngayon, hindi na ako mananahimik, ilalabas ko ang lahat ng katotohanan. May resibo, may ebidensya, at may pangalan.”
Dito na ibinunyag ni Zaldy na inutusan siya nina PBBM at Martin Romualdez na maglagay ng PHP100B insertion sa national budget para sa taong 2025 na may alokasyon sa DPWH at sa unprogrammed funds.
Kwento ni Zaldy : “Right after our conversation, tinawagan ko po si Dating Speaker Martin Romualdez, at nireport ko ang instructions ng Presidente to insert the P100 billion projects at sinabi niya sa akin ‘What the President wants, he gets’.”
Sa ngayon, natatakot si Zaldy sa kanyang buhay, bago pa raw siya mapatumba ay magsasalita na siya at kailangan na lumabas na ang lahat.
Say ni Zaldy : “Sana po ay hindi nila ako mapatay bago ko mailabas ang lahat.”
Dagdag pa niya : “Ginawa ko lang ang utos [nila] sa akin pero ngayon handa na akong harapin ang lahat. Ginagamit ng administrasyon ang buong resources ng bansa para tumahimik ako.”




