Hindi pala nakakarinig ang right ear ni Joaquin Arce.
Nanawagan si Angel Locsin sa mga netizens at sa mga taga-subaybay ng Pinoy Big Brother o PBB na sana raw ay intindihin si Joaquin Arce.
Hindi lingid sa marami na isa si Joaquin Arce sa mga official housemate sa bagong season ng PBB na Celebrity Collab Edition 2.0. Kasabay niyang ipinakilala ang aktres na si Sofia Pablo.
Si Joaquin ay anak ng asawa ni Angel Locsin na si Neil Arce. Kaya nanawagan ang aktres na sana raw ay intindihin ng mga netizens ang kanyang stepson dahil kung minsan ay nagsasalita ito ng malakas o hindi agad sumasagot kapag kinakausap.
Pagbabahagi ni Angel Locsin na si Joaquin ay deaf o hindi nakakarinig ang kanyang right ear.
Say ni Angel : “I don’t usually comment, but seeing Joaquin grow from a little boy into someone who helps, listens, and keeps the peace at home makes me proud,
“If he ever talks a bit loud or doesn’t respond, please forgive him — our son is completely deaf in his right ear.” wika ni Angel Locsin.
Marami naman sa mga netizens ang nakapansin sa mga behaviour ni Joaquin sa loob ng bahay ni kuya, anila na kaya pala kapag may kausap ito ay nilalapit niya ang kanyang left ear para mas maintindihan nito ang kanyang kausap.
Say ng netizen : “Ah.. Kaya pala kapag my nag uusap o my kausap sya. Nakatutuk yung left ear nya, at kung di nya yan marinig, binabasa nya yung salita ng bibig ng kausap nya. Joaquin and I are in the same situation po, kaya na noticed ko syang ganyan akala ko mannerisms lng na ganun sya. So now I know.”
“Ahhh kaya po pala parang mejo malakas Ang boses nya pg ngssalita.. But he’s really helpful nmn tlga at mabait.”
“i see kaya po pala pg ngsalita sya may times na anlakas parang bossy tuloy. Does his HMs know? kc if not, baka tlgang manominate sya kc ngmumukha syang bossy eh. un kc napansin q tingin ko ang bossy nia kung mkpagsalita, may hearing problem pala sha idol.” dagdag pa ng isa.




