Jayboy Magdadaro, niligtas ang 50 katao mula sa bagyong Tino.

Nakatanggap ng scholarship at monthly allowance si Jayboy Magdadaro.

Si Jayboy Magdadaro ang 15 years old na sumagip sa halos 50 katao na residente sa Sitio Fatima, Jubay, Liloan sa gitna ng bagyong Tino.

Ang malakas na bagyo ay nanalasa noong November 4, 2025. Dito na ipinakita ng binata ang kanyang tapang at malasakit matapos niyang iligtas na walang takot ang mga residente.

Sa pagliligtas ni Jayboy, gamit niya ang isang maliit na bangka at ang kanyang salbabida, isa-isa nitong binalik-balikan ang mga taong na-trap dahil sa baha at sa malakas na ulan.

Kabilang sa mga residenteng nailigtas ni Jayboy ay mga bata, buntis at mga matatanda.

Dito na kinilala ang kabayanihan ng binata dahil na rin sa lubos na paghanga ng publiko sa kanyang katapangan, ginawaran si Jayboy ng full college scholarship at P3,000 monthly allowance ni Atty. Daniel Francis Arguedo.

Post pa ng Sunstar Cebu : “Mabolo Barangay Captain Atty. Daniel Francis Arguedo has granted Jayboy Magdadaro, a 15-year-old resident of Liloan town, a full scholarship for any course of his choice after he rescued around 50 people during the onslaught of Typhoon “Tino” on November 4, 2025.

“The scholarship covers all school fees and includes a monthly allowance of P3,000.” caption ng post.

Marami sa mga netizens ang humanga sa ginawa na ito ng binata na tila nagmistulang inspirasyon sa mga kabataan.

Ani ng netizen : “You really really doing the right thing to others without asking any penny good job Jayboy u are a true Hero you deserved the full scholarship.”

“Good job and congratulations you are a new hero God bless you safe always ok.”

“Well done,JAYBOY for your bravery and courageous action to help, you are an INSPIRATION to all our young people, with your FAITH and HOPE to saved, GOD LOVED YOU, BRAVO !!! FOCUS on your studies, you deserved it !!!” dagdag pa ng isa.