Hindi pala nakakulong until now si Janice Sebial.
Malungkot na ibinahagi ni Lovella Maguad ang balitang nakarating sa kanya na until now ay hindi pa pala nakakulong si Janice Sebial.
Kung ating babalikan, si Janice Emuelin aka Janice Sebial ang utak sa pagpaslang sa Maguad siblings na sina Crizzlle Gwynn and Crizvlle Louis sa M’lang, North Cotabato noong December 10, 2021.
Mas kilala rin si Janice Sebial na may mga alyas na “Christine”, “Shane”, “Jaypee”, and “Cha Yuri”.
Ngunit sa kasamaang palad, hanggang sa ngayon ay hindi pa nakakamit ng Maguad family ang hustisya sa krimen na nangyari sa kanilang mga anak.
Sa Facebook post ni Lovella Maguad noong Nov. 11, nagulat siya sa impormasyon na nakarating sa kanya matapos niyang malaman na hindi pala nakakulong si Janice at naging receptionist pa ito sa Davao Penal Colony o Davao Prison and Penal Farm.
Aniya : “Ang hirap ng hindi natin kayang magbayad ng magaling na private lawyer para makuha natin ang complete justice! I’ve been feeling restless for a month now after hearing from one of my husband’s closest friends, who had recently visited the Davao Penal Colony.
“He told us that he was completely surprised when he unexpectedly saw JANICE there — NOT AS AN INMATE, but as the receptionist who welcomed and assisted them during their visit.
“She was even wearing a white polo shirt with “COP” printed on the sleeves, which, as she explained, stands for Clean and Orderly Personnel.
“He couldn’t help but wonder why wasn’t she wearing a prisoner’s uniform. Clean and Orderly Personnel or Correction Officer? “I’m losing my peace of mind because you’ve chosen to protect and care for those demons…..”
Ibinahagi rin ni Lovella na maging ang kasamahan ni Janice na si Esmeraldo sa pagpaslang sa kanyang mga anak ay nagkaroon rin ng magandang posisyon sa Davao Penal Colony.
Say niya : “Both Janice and Esmeraldo, according to reports, have been given significant roles within the facility, which further raises questions about their current treatment and status.”
Dagdag pa ni Lovella Maguad : “I cannot understand why the system continues to protect these individuals while we, the victims’ family, are left to endure the pain and injustice they caused. Enough with lies!”
Marami naman sa mga netizens ang nagpaabot ng kanilang pagkadismaya dahil ilang taon na rin ang nakalipas pero hanggang sa ngayon ay hindi parin nakukuha ng Maguad Family ang hustisya para kina Gwynn at Boyboy.
Ani nila : “this is not right! dapat yan nakakulong.”
“Mam and sir maguad, please ask the help of sir raffy tulfo. He might help you in your agony on this unfair injustice system that you experienced in your lives.”
“useless tlga ang batas ng Pilipinas! Kung sino payong criminl sila pa protektado, Dios na balang araw ang hahatol sa mga criminal nayan, doon ay walang pabor lahat ng may nagawang kasalanan darating ang panahon ng paghatol ng panginoon.” dagdag pa ng isa.

