Joanna Rose Bacosa kay Manny : “Naka-moved on na po ako”.

Inamin ni Joanna Rose Bacosa sa isang KMJS interview na naka-moved on na siya.

Usap-usapan ngayon sa social media ang ina ni Eman Bacosa na si Joanna matapos itong nagpa-interview sa KMJS kamakailan.

Hindi lingid sa marami na gumagawa ngayon ng sarili niyang pangalan sa mundo ng boxing si Eman Bacosa ang anak ni Manny kay Joanna.

Ayon pa sa mga netizens, mukhang si Eman ang magpapatuloy sa legasiya ng kanyang ama sa larangan ng boxing, tinawag pa nila itong ‘Next Manny Pacquiao‘.

Kasabay sa pag-ingay ng pangalan ni Eman online ay tila sumabay rin na pinag-usapan ang kanyang ina na si Joanna Rose Bacosa. Ayon kasi sa mga fans, maayos nitong pinalaki ang kanyang anak kahit hindi nito kasama si Pacman sa paglaki nito.

Sa interview ni Joanna Bacosa sa KMJS, dito na niya inamin na matagal na siyang naka-moved on sa dating relasyon nila ni Manny Pacquiao.

Say niya : “I am still hoping for the best na para ito sa kabutihan ng anak ko, ‘yung interview na ito, lalo na po kina Sir Manny at Ma’am Jinkee. Ayoko na pong magka-isyu kasi minsan yung mga tao, kahit na dapat walang isyu, pinag-aaway-away na nila.

“Ang intensiyon ko [lang] talaga is para sa anak ko. Yung para sa kabutihan [lang] niya. At tsaka tungkol sa past, naka-move on na po ako.” pahayag ni Joanna.

Ibinahagi rin ni Eman na nag-sorry si Manny sa kanya matapos ang 10 taon na hindi sila nagkita. Dito na pinagamit sa kanya ang apelyido niyang Pacquiao.

Sa kasalukuyan, si Joanna ay naninilbihan bilang pastora sa Antipas, North Cotabato, aktibo rin sa simbahan ang buo niyang pamilya maging ang kanyang mga anak.