Nag-sorry pala si Manny Pacquiao sa kanyang anak na si Eman Bacosa.
Viral ang guesting ng anak ni Manny Pacquiao na si Eman Bacosa sa KMJS matapos nitong ibahagi ang pag-sorry ng kanyang ama sa kanya.
Si Eman 21, ay anak ni Manny Pacquiao sa noo’y receptionist ng Pan Pacific Hotel sa Malate, Manila na si Joanna Rose Bacosa.
Nagkakilala sila at nagsimula ang kanilang relasyon noong April 18, 2003. Habang si Pacman ay dalawang beses nang ikinasal kay Jinkee [year 1999 civil at 2000 church wedding].
Marami sa mga netizens ang nagsasabing si Eman na raw ang next Manny Pacquiao dahil nagsisimula na itong gumawa ng sariling niyang pangalan sa mundo boxing.
Ibinahagi ni Eman Bacosa Pacquiao sa KMJS ang mga hirap na naranasan nilang mag-ina bago niya maabot ang kanyang mga pangarap.
Pahayag ni Eman sa KMJS : “Hindi po naging madali talaga. Tiniis ko po ‘yung gutom, hirap, financial problems. Sinusuportahan naman po [ako] from time to time. Binibigyan po, pero hindi naman po as in araw-araw.”
Wika pa ni Eman na noong bata pa siya ay naiinggit talaga siya sa mga bata at sa mga kaklase niya tuwing ‘father’s Day’, kasi siya lang ang batang hindi kasama ang ama.
Pagbabahagi niya : “Noong bata [pa] ako, lagi akong magagalitin. Naiinggit sa ibang bata lalo na kapag Father’s Day, nakikita ko na kasama nila ‘yung papa nila. I always longed for my father’s love ever since I was a child. I barely know him.”
Ayon kay Eman, araw-araw siyang nagdarasal na sana balang araw ay makasama niya si Manny kahit saglit lang.
Say niya : “Sana, Lord, makasama ko man lang siya kahit buong araw o kahit saglit lang.”
Matapos ang 10 years, mukhang natupad na ang dasal ni Eman dahil sa wakas ay nagkita na sila ng kanyang ama.
“Noong 2022, bumisita kami kay Daddy, pinapasok po kami [sa bahay], tapos niyakap po ako ng daddy ko nang mahigpit. Sabi niya, ‘Na-miss kita, matagal kitang hindi nakita.’ Tapos niyakap ko rin siya,
“Ako, pinipigilan ko ang luha ko, sobrang saya ko po talaga na nakita ko po siya noon. Hanggang ngayon, hindi ko po makalimutan ‘yung moment na ‘yun. 10 years po kasi na hindi kami nagkita.” Wika ni Eman.
Ibinahagi rin ni Eman ang araw na nagsimulang suportahan na ni Manny ang kanyang pagbo-boxing, agad raw na pinagamit sa kanya ang apelyido niyang Pacquiao.
Say ni Eman : “Tapos pinirmahan po niya yung ano ko, ’Gawin kitang Pacquiao para mabilis ang pag-angat mo sa boksing’. Parang bumawi po siya sa akin. Pumasok po ako ng kuwarto. Du’n [na] po ako umiyak. Sabi ko, ‘Lord, thank you. Thank you so much, Lord God.”
Naikwento rin ni Eman na humingi ng tawad si Manny Pacquiao sa lahat ng pagkukulang nito bilang ama sa kanya.
“Humingi po siya ng tawad sa akin. Pinatawad ko rin po siya. Saka sabi ko po sa kanya, ‘Dad, naiintindihan ko po ang sitwasyon ninyo. Ang importante lang sa akin na makasama kayo.’ Sinusuportahan na po ninyo ako sa pangarap ko, sa pagboboksing ko.” dagdag pa ni Eman.




