Ang pretty pala ng mother ni Eman Bacosa Pacquiao.
Umingay ngayon si Eman Pacquiao at ang mother niya na si Joanna Rose Bacosa matapos itong gumawa ng sariling pangalan sa mundo ng boxing.
Kumalat kasi ang mga pictures ni Eman sa social media matapos siyang manalo sa boxing kontra kay Nico Salado ng Bohol sa naganap na ‘Thrilla in Manila 2’ sa Smart Araneta Coliseum, Cubao noong October 29.
Mukhang si Eman Bacosa na raw ang next Manny Pacquiao dahil magaling rin ito sa boxing gaya ng kanyang ama na si Pacman.
Marami naman sa mga netizens ang nakapansin sa malaking pagkakahawig nina Eman at Manny Pacquiao.
Anila : “Hala kamukha talaga Niya at ka boses Niya c Manny Pacquiao pero mas guapo lang sya.”
Kasabay nang pag-ingay ng pangalan ni Eman online ay tila sumabay rin na pinag-usapan ang kanyang ina na si Joanna Rose Bacosa. Ayon kasi sa mga fans na maayos nitong pinalaki ang kanyang anak kahit hindi nito kasama si Pacman.
Marami rin sa mga netizens ang nagsasabing maganda pala ang ina ni Eman dahil simple lang ito at walang kareto-retoke.
Say ng netizens : “maganda pla ang nanay kht simple lng pru litaw ang ganda.”
“Ganda ng nanay walang retoke, D nmn stress ung Nanay kc ng go glow P rin nmn khit nka 6 n anak na.”
“Ang ganda ng mama mo natural beauty.” dagdag pa ng isa.
Si Eman ay anak ni Manny kay Joanna Rose Bacosa na isang receptionist sa Malate, Manila. Nagsimula ang kanilang relasyon noong April 18, 2003.
Habang si Manny naman ay kasal kay Jinkee noong 1999 via civil wedding at muli silang ikinasal sa simbahan noong May 9, 2000.
Pagbabahagi ni Joanna na isang araw ay niyaya raw siya ni Manny para sa isang early breakfast ngunit nagtaka siya dahil hindi siya nito dinala sa restaurant.
Dinala raw siya ni Manny sa Winston Lodge, Pasay City para makipag-one night stand.
Pagbabahagi ni Joanna : “Pagkatapos sinubukan niya akong abutan ng pera na hindi ko alam kung magkano, subalit hindi ko ito tinanggap dahil hindi naman ako bayarang babae.”
Ilang beses rin na may nangyari sa kanilang dalawa ni Manny hanggang sa nabuo na si Eman at isinilang noong January 2, 2004.




