How true ang chismis na buntis na raw si Loisa Andalio, 26?
Usap-usapan sa social media ang balitang buntis na raw ang aktres na si Loisa Andalio sa long-time boyfriend nitong si Ronnie Alonte.
Kumalat kasi online ang tungkol sa pagbubuntis raw ni Loisa na nagsimula sa blind item, kaya agad na naglabas ng pahayag ang talent manager na si Ogie Diaz sa kanyang latest vlog noong November 7.
Chika ni Ogie Diaz : “May tinutukoy na aktres na di umano ay buntis daw sa kaniyang jowang aktor na gwapo, eh ‘yun nga.. sinasabi pang ‘di ba magka-live in sila?”
Ayon pa kay Ogie na kung sakali man na totoo ang chika tungkol kay Loisa ay hindi naman ito nakakagulat dahil mag-jowa naman sila ni Ronnie.
Wika nito : “Obviously, kung mabubuntis [man] siya, hindi na shocking ‘yun. Hindi na nakakagulat, Eh. Kasi Meron naman siyang jowa so posible.”
Nilinaw naman ng talent manager na hindi pa kumpirmado ang pagbubuntis na ito ng aktres dahil wala pa siyang solid source upang makumpirma ang chismis.
“Anyway, sagutin na rin ni Loisa kung gaano ito katotoo na siya ay preggy ngayon.” say ng talent manager.
May nabasang scoop si Ogie Diaz tungkol sa pagdadalang tao ni Loisa, ayon pa sa kanya na tumawag ng doktor ang aktres upang magpa-check up.
Akala pa raw ng doktor na ibang tao ang magpapa-check up ngunit laking gulat nito na si Loisa pala ang kanyang pasyente.
Dagdag pa ni Ogie : “Ito pa ang isang balita, ang sinasabi parang may nagpa-check up daw. Pinapunta ‘yong doctor doon sa bahay para check up-in daw itong si Loisa. Tapos akala nung doctor, parang isa sa kasama sa bahay lang ‘yong papa-check up, ‘yun pala si Loisa.”
Para maging malinaw ang chismis ay nagtanong si Ogie Diaz sa kamag-anak ni Ronnie Alonte kung tunay ba ang kumakalat na chismis.
Wika ni Ogie : “Tinanong ko ‘yung isang kamag-anak ni Ronnie Alonte. Ang sabi niya, ‘parang ‘di naman totoo, Ogie. Kasi ang alam ko? breadwinner ng pamilya [‘yan] si Loisa.”


