Sa Tokyo, Japan pala kinunan ang mga prenup photos nina Kiray Celis at Stephan Estopia.
Ibinahagi ni Kiray Celis ang mga prenup photos nila ng kanyang fiancé na si Stephen Estopia sa kahabaan ng Shibuya Crossing sa Tokyo, Japan.
Ang prenup photos na ito nina Kiray at Stephan ay kuha ng Metrophoto na may cinematic at heartfelt vibe effects sa ilalim ng bustling Tokyo night.
Makikita sa naturang mga larawan ang busy street ng Shibuya Scramble Crossing, isa sa kilalang tourist spot destination sa Tokyo, Japan.
Caption pa ni Kiray : “SA LAHAT NG TAO SA MUNDO, IKAW ANG PINAKA PABORITO KO.”
Hindi lingid sa marami na malapit nang ikasal ang aktres at komedyanteng si Kiray sa kanyang boyfriend na ngayon ay fiancé niya matapos ang beachside romantic proposal ni Stephan para sa dalaga.
Sa naging panayam naman ni Kiray kay Boy Abunda, inamin nito na super ready na sila ni Stephan na mag-level up ang kanilang relasyon.
Pagbabahagi ni Kiray : “Siya, lagi niyang sinasabi, ‘Sobrang ready na ako. Hindi pa ba? Nung una iniisip ko ‘yung mama ko, pero ngayon, ako pala talaga ‘yung hindi ready. Parang late bloomer ako and feel ko ngayon lang ako nagdadalaga.”
Marami naman sa mga netizens ang nagpa-abot ng kanilang congratulatory messages para kina Kiray at Stephan.
Say ng netizen : “hello po madam kiray laht po ng yan ai para sayo dahil npkabuti mo at mapagmahañ sa mgulang kya laht ng kasiyahan ay laging darating sayo lub..u poe best wishes po sa inyo..”
“hi ate kirayyyy Kiray Celis! you may not know me but i’m a silent follower ever since nasa going bulilit ka pa until now. i saw all your heartbreaks until you met stephan. at first, i thought maybe he would just play you like the others, but no, i was wrong, your love proved me wrong. and now, seeing you almost getting married, now engaged, makes me so happy. you’ve come so far, ate, and i’m the happiest and proudest for you.” dagdag pa ng isa.

