Will Ashley, pumalag at may babala sa mga basher.

Will Ashley calls out basher sending him hate
Will Ashley

Hindi na nakapag-pigil si Will Ashley 23, sa mga basher.

Ibinahagi ng PBB alumni at kapuso aktor na si Will Ashley ang mga private messages na nagmula sa isang basher.

Dito na pumalag si Will dahil ang laman ng mga private messages na ito ay mga foul words at sobrang below the belt na. Nadadamay na rin kasi ang kanyang mga mahal sa buhay.

Ang masakit pa para sa aktor, may mga private messages rin na humihiling na sana raw ay pumanaw na ang kanyang ina na si Mommy Mindy.

Panimula ni Will : “I’ve been getting a lot of messages saying they hope my mom dies. Bakit umabot tayo sa ganyan? Last week lang, nagkaroon ng online reflection about bullying and mental health, tapos lumala this week?”

Binigyang diin rin ng kapuso aktor na wala silang ninakaw o taong tinatapakan, kaya hindi nya talaga maintindihan kung saan humuhugot ang mga taong may galit sa kanya.

Pagpapatuloy ni Will : “Wala kaming ninanakaw, wala kaming sinasaktan o tinatapakan, lalo na ang pamilya ko. Save your outrage for people who are doing evil, not people who are just making art.

“Also, my friends know better than you. Bakit sila nadadamay? Pati support system who keep us afloat and are there during the private moments of our lives, nadadrag ng walang dahilan.

“And this isn’t just happening to me, pati sa ibang housemates. We built a strong bond in the house, hindi nyo ito masisira. Not everything we do is a calculated PR move, we are humans too.” bahagi ng pahayag ng aktor.

Nagbigay rin ng babala ang aktor sa mga patuloy na nagpapadala ng mga private messages sa kanya na may kasamang pagbabanta. Handa niyang kasuhan ang mga ito kung hindi pa sila titigil matapos ang pag-rant ni Will online.

Babala ng aktor : “I am consulting now for legal options in case this doesn’t stop. I don’t want to tolerate this hate anymore na ibinabato nyo sa kahit sino. Not me, not my friends and especially not my family.

“This is not a good use of our limited time on earth. Sana use your time to spread love, positivity and support.” wika ni Will.