Ogie Diaz, nagsalita sa relasyon nina Enrique Gil at Andrea Brown.

Ogie Diaz talks about Enrique Gil and Andrea Brown's relationship
Enrique Gil, Ogie Diaz and Andrea Brown

May chika si Ogie Diaz tungkol kina Enrique Gil 33, at Andrea Brown 17.

Nagbigay ng kanyang opinyon ang talent manager na si Ogie Diaz tungkol sa pagpatol ni Enrique Gil sa content creator na si Andrea Brown.

Kung ating babalikan, lumabas ang mga ulat na may relasyon diumano si Enrique sa 17 years old na si Andrea Brown. Dito na nakatanggap ng samu’t-saring batikos ang aktor.

Kumalat kasi online ang mga sweet photos nila together at sa isang larawan pa ay mapapansin na naka-kandong si Andrea kay Enrique.

Ayon sa X user na si Bea, hindi maganda ang ginawa ni Enrique na pagpatol sa isang menor de edad.

Wika nito : “It’s so disgusting that at your age of 33, you’re pursuing a 17 yr old, A MINOR. I’ve already advised you to just move on properly, and I’ve always had your back. What the f#ck I’m not the type to just sit this one out and this really doesn’t sit right with me.”

Naglabas naman ng kanyang pahayag si Ogie Diaz tungkol sa isyu na ito na pinag-usapan sa social media, say ng talent manager na wala itong problema basta nirerespeto lang ni Enrique si Andrea.

Chika nito : “Eh! ano namang issue dyan kung 17 years old? Paano ba ‘yun kapag ang 17 years old na-inlove sa 33? Parang double [of] her age?

“May mga ganyan naman diba? Nagkataon lang na artista si Enrique. ‘Yung iba naman talaga mayro’n ding mga politiko pa nga eh. [Ang] Layo-layo ng agwat sa babae.”

Pagpapatuloy ni Ogie : “Wala namang problema do’n. Basta nire-respeto [lang] ni Enrique ‘yung babae. Aware naman siguro si Enrique dyan sa isyu na menor [de edad] pa ‘yung isa, although mag-eighteen na ‘yan at siya ay 33,

“Basta buo ang respeto ni Enrique sa babae, walang problema.” dagdag ni Ogie Diaz.

Sa ngayon, habang sinusulat namin ang balitang ito ay hindi pa naglalabas ng pahayag ang aktor na si Enrique Gil maging ang content creator na si Andrea Brown tungkol sa tunay na relasyon nilang dalawa.