Marvin Agustin, nakatanggap ng Michelin Bib Gourmand award.

Marvin Agustin celebrates Cochi's Michelin Bib Gourmand win: 'I'm very grateful'
Marvin Agustin

Ang galing! isa ang resto ni Marvin Agustin sa mga nakatanggap ng Michelin Bib Gourmand award para sa taong 2026.

Nagpasalamat ang aktor na si Marvin Agustin matapos mapabilang ang kanyang resto na ‘Cochi’ sa mga ginawaran ng Michelin Bib Gourmand award.

Present si Marvin sa awarding na ginanap noong October 30, sa Marriott Grand Ballroom, Pasay City. Ayon sa kanya na nagbunga ang lahat ng kanilang hardwork habang tinatanggap niya ang naturang award.

Caption ni Marvin sa IG : “As I walked to receive the award, ang nasa isip ko lang : Lahat ng ito, pinaghirapan nating lahat.

“To the team who shows up, cares, and gives their best — thank you. To our guests who continue to support us — we appreciate you. To the F&B community — proud to stand with you. This Bib Gourmand is for all of us.” dagdag ni Marvin.

Isa ang Cochi sa mga ginawaran bilang ‘best value for money restaurants that offer a three course meal at a reasonable price’.

Ibig sabihin, ang mga pagkain na sini-serve sa mga restaurants na binigyan ng Michelin Bib Gourmand award ay pang-worldclass, kahit sulit sa bulsa pero masarap na.

Kasunod nito ay may pahabol pa na IG post si Marvin, aniya na may mga oras at araw na muntikan na siyang sumuko pero hindi siya nawalan ng pag-asa at tiwala sa kanyang sarili.

Wika ni Marvin : “From being a mascot to receiving a Michelin Bib Gourmand — life has shown me that dreams do come true.

“There were moments I almost gave up. But I learned that in your toughest times, that’s when you need to hold on tighter. Never stop believing — especially in yourself.” bahagi ng pahayag ng aktor.

Marami naman sa mga netizens ang nagpa-abot ng congratulatory messages para kay Marvin.

Ani ng netizen : “Congratulations to the entire Cochi team! I knew that your plate is special when we had it.It tastes like a warm welcome for being home at lasts. It reminds me of the story “ratatouille”….So glad we visited and definitely coming back.”

“Well done! Truly happy for the group of people who has worked tirelessly to get where you are. I’m hoping to taste the Filipino spirit in your feast of flavors. Congratulations!”

“Congratulations on this well-deserved recognition! Wishing Cochi continued success and delicious food!” dagdag pa ng isa.