Kuya Kim sa pagpanaw ni Emman Atienza : “Ang sakit”.

Kuya Kim Atienza Recalls the Painful Moment He Learned of Daughter Emman’s Passing
Kim Atienza and Jessica Soho

May exclusive interview si Kuya Kim sa KMJS with Jessica Soho.

Ibinahagi ng KMJS ang panayam ni Jessica Soho kay Kuya Kim, ibinahagi nito ang sakit sa biglaang pagpanaw ni Emman Atienza, ang kanyang anak.

Sa isang emosyonal na interview, hindi nagawa ni Jessica na magtanong ng maraming questions sa tv host dahil alam nito ang bigat na pinagdaraanan ngayon ni Kuya Kim.

Panimula ni Jessica : “Kim ayuko ko sana ng interview na ito, no words, no questions din sana.. Pero pwedi bang makinig nalang ako sa mga kwento mo? tungkol kay Emmansky. I think that’s how you call her diba? Emmansky.”

Wika ni Kuya Kim : “Ang pet name ko kay Emman is Emmansky, and you know she allows me naman.. pero okay lang Jessica, I’d like to think that uhm.. my daughter Emman did not die in vain,

“Nung namatay si Emman kasi we know that Emman is sick, and she had a few attempts in the past, and my prayer to the lord every single day was uhm, for this not to happen.” panimula ni Kuya Kim.

Dito na ibinahagi ni Kim na si Emman ay nagkaroon ng PTSD o post-traumatic stress disorder dahil sa dati nitong Yaya, may trauma raw ang kanyang anak dahil sa threats at pagkulong nito kay Emman sa cabinet kasama ang isang stuff toy.

Pananakot raw ng Yaya kay Emman na papatayin raw ito ng stuff toy sa loob mismo ng cabinet. Nalaman nalang nila Kim ang tungkol sa mga bagay na ito matapos magkwento ang kanyang anak sa grade 1 teacher nito.

Say ni Kuya Kim : “You know what, Jessica? We were keeping that secret because nalaman namin yung mga details na ‘yan in one of her attempts in the past,

“Meron siyang mga kinausap na therapist at sinabi ng mga psychologist na ito yung cause niya. Nagkaroon siya ng PTSD o Post-Traumatic Stress Disorder at ang dahilan ay ‘yun.”

Dito na naikwento ni Kuya Kim ang araw na nakatanggap sila ng bad news na pumanaw na ang kanilang anak.

Pagbabahagi nito : “Oh my God Jessica, two days before that we knew there was a problem. Emman texted her mommy, sabi niya ‘mom I’m in an emergency right now but worry not, there’s no self harm, but I need to go to a therapy center’ so ‘yun ang message [n’ya]. So we knew there’s something wrong.”

Dito na mas naging emosyonal ang tv host, ibinahagi niya kung paano niya natanggap ang mensahe ng masamang balita mula sa kanyang asawa.

“The next morning, Fely [Kim’s wife] sent me a message saying, ‘I have terrible, terrible news.’ I knew right then, when I called, she told me Emman was gone.” Wika ni Kuya Kim.

Pagpapatuloy nito : “Lord, kahit bigyan mo ’ko ng cancer, okay eh! Madali ang physical pain. Titiisin mo ’yan eh! Pero ’yung mamatayan ka ng anak? Masakit! Masakit. Hindi mo alam kung saan galing ang sakit. Masakit lang! Masakit sa lahat.”

Kung ating babalikan, kinumpirma ang cause of death ni Emman Atienza na binawi ng dalaga ang sarili nitong buhay sa pamamagitan ng pagpapatiwakal o ‘ligature hanging’.

Ang katawan ng anak ni Kuya Kim ay natagpuan na wala ng buhay sa mismong tahanan nito sa Los Angeles, California noong October 22.

Naglabas naman ng detalye ang tv host tungkol sa funeral o wake ni Emman na gaganapin sa Nov. 3 at 4, 2025 ng 12pm-10pm sa Chapel 5, The Heritage Memorial Park sa Taguig City.