MTRCB, pumalag matapos murahin ni Sassa Gurl.

MTRCB summons Viva over Sassa Gurl’s profane remarks
Lala Sotto, Sassa Gurl and Viva Artists Agency

Nadamay ang talent agency ni Sassa Gurl matapos niyang minura ang MTRCB.

Pinapatawag ng MTRCB ang Viva Artists Agency para sa isang diskusyon matapos silang minura ng isa sa mga talents nila na si Sassa Gurl.

Hindi lingid sa marami na isa sa mga talents ng Viva si Sassa, sumikat ang content creator sa pamamagitan ng kanyang mga comedy skits online dahilan upang magbukas ang mundo ng showbiz para sa kanya.

Kung ating babalikan, nag-viral online ang isang panayam ni Sassa sa mismong premier night ng kanilang pelikula na ‘Dreamboi’, dito na kasi minura ni Sassa ang ahensya ng MTRCB matapos silang bigyan ng rated-X.

Ayon sa MTRCB, may nasilip silang “prolonged sexually explicit scenes” sa Dreamboi kaya binigyan nila ito ng rating na X.

Sa ating bansa kung ang proyekto o pelikula ay may rating na X ay hindi ito pweding ipalabas sa mga sinehan o sa publiko.

Ngunit kalaunan, matapos magpasa ang mga producers ng 3 versions ng pelikula ay binago na ng MTRCB ang rating nila mula sa rated-x ay naging rated-18 na ito.

Sa mismong premier night ng Dreamboi, dito na nagawang murahin ni Sassa ang MTRCB.

Say ni Sassa : “Tang*na nyo MTRCB! bakla bakit nyo irated-X bakla? hindi naman to p*rn, hindi naman ako naglabas ng nota dito.”

Agad na umaksyon ang MTRCB at nagpadala ng liham na may petsang Oct. 23 para sa presidente ng Viva Artists Agency na si Vincent G. del Rosario.

Bahagi ng pahayag ng MTRCB : “The Movie and Television Review and Classification Board (MTRB) has summoned Viva Communications, Inc. to a dialogue following the circulation of a viral video showing one of its content creators uttering profane remarks,

“MTRCB said the talent content creator’s remark is disrespectful to the institution and to the people behind the Board’s work,

“While we respect freedom of expression, the Agency views with serious concern the use of language that undermines respect for public institutions and the standards governing film classification,” bahagi ng kanilang pahayag.

Ang pagpupulong ng MTRCB at Viva ay magaganap sa Nov. 4.