Kuya Kim, ibinahagi ang funeral ni Emman Atienza.

Kuya Kim Atienza shares details of daughter Emman’s funeral
Emman and Kim Atienza

Isang heartfelt post ang ibinahagi ni Kuya Kim tungkol sa funeral ni Emman Atienza 19.

Naglabas ng detalye ang tv host na si Kuya Kim tungkol sa funeral o wake ng kanyang yumaong anak na si Emman Atienza.

Kung ating babalikan, ang bunsong anak ni Kuya Kim ay pumanaw noong Oct. 22 na ibinalita rin ng US media, ang cause of death ni Emman ay ang pagbawi nito sa sarili niyang buhay sa pamamagitan ng ‘ligature hanging’ o ang pagpapatiwakal.

Ang katawan ni Emman ay nakita sa sarili nitong tahanan sa Los Angeles, California, nilinaw naman ng mga kapulisan na walang ‘foul play’ sa pagpanaw na ito ng dalaga.

Pagbabahagi ni Kuya Kim : “It’s with deep sadness that we share the unexpected passing of our daughter and sister, Emman. She brought so much joy, laughter, and love into our lives and into the lives of everyone who knew her.

“Emman had a way of making people feel seen and heard, and she wasn’t afraid to share her own journey with mental health. Her authenticity helped so many feel less alone.” bahagi ng pahayag ni Kuya Kim.

Marami naman sa mga netizens ang nagsasabing mahirap talaga na kaaway ang mental health dahil ang tanging kalaban mo lang ay ang iyong sarili.

Samantala, ibinahagi naman ng tv host ang funeral ng kanyang anak sa pamamagitan ng isang Instagram post.

Emman Atienza's funeral and wake schedule
Emman Atienza

Ani kuya Kim : “A little kindness everyday. We miss you dearest Emmansky. We love you.”

Sa naturang artcard mababasa ang kaarawan at date of death ni Emman, kalakip rin ang schedule ng kanyang wake na gaganapin sa Nov. 3 at 4, 2025 ng 12pm-10pm sa Chapel 5 ng The Heritage Memorial Park sa Taguig City.

Marami naman sa mga netizens ang nagpa-abot ng kanilang pakikiramay sa pamilya ni Kuya Kim.

Ani ng netizen : “Condolence sa buong Family. Emman may you rest in peace.”

“Condolences to Atienza family apakasakit po mawalan ng anak kahit ano pa po ang cause nyan at the age of 25 i also lost my angel… RIP Emman..”

“Eternal rest grant unto her soul and let perpetual light shine upon her.” dagdag pa ng isa.