Kuya Kim, sinisi sa pagkawala ni Emman Atienza.

A netizen blames Kim Atienza in Emman's death
Kuya Kim and Emman Atienza

Bakit naman sinisisi pa ng netizens si Kuya Kim sa pagpanaw ng kanyang daughter na si Emman Atienza?

Viral ang pagsupalpal ni Kuya Kim sa isang netizen matapos sisihin ang tv host sa pagkawala ng kanyang daughter na si Emman Atienza.

Kung ating babalikan, nagulat at nalungkot ang mga netizens sa biglaang pagpanaw ni Emman, kalaunan ay kinumpirma rin ang kanyang cause of death mula sa mga news outlet matapos itong iniulat ng US media.

Dito na sinisi ng isang netizen si Kuya Kim matapos magbahagi ang tv host ng isang video clip sa social habang kumakanta si Emman.

Caption pa ni Kuya Kim : “The Lord gave and the Lord has taken away; may the name of the Lord be praised.’ Thank you for the 19 years of my dearest little Emmansky Lord,”

Dito na sinisi si Kim Atienza ng isang netizen na may pangalan na Joy.

Bahagi ng komento ni Joy : “You were meant to be her primary protector, teacher, and guide. Tragically, she was left without the support she needed from the one who was supposed to be her anchor.”

Netizen's comment blaming Kim Atienza
Joy’s comment on Kim Atienza’s video

Sagot ni Kuya Kim : “Joy, you are an evangelical bully. my emman did not make that choice as clearly as you make choices. My emman was clinically depressed.”

Kuya Kim replies on a comment
Kuya Kim replied on Joy’s comment

Ayon sa mga ulat, si Emman ay natagpuan na wala ng buhay sa mismong tahanan nito sa Los Angeles, California noong October 22. Dito na nakumpirma na binawi ng dalaga ang sarili nitong buhay sa pamamagitan ng pagpapatiwakal.

Nilinaw naman ng kapulisan na walang ‘foul play’ sa pagpanaw na ito ni Emman.

Si Emman ay 19 years old pa lamang.

Marami naman sa mga netizens ang nagsasabing mahirap na kaaway ang mental health dahil ang tanging kalaban mo lang ay ang iyong sarili.