Andrea Brillantes, lumipat na sa TV5.

Actress Andrea Brilliantes signs contracts at TV5
Andrea Brillantes

From Kapamilya ngayon ay Kapatid na si Andrea Brillantes.

Tuluyan nang nilisan ng aktres na si Andrea Brillantes ang ABS-CBN matapos itong pumirma ng kontrata sa TV5.

Kung ating babalikan, nakaraang linggo lang ay umugong ang mga bali-balitang lilipat na si Andrea sa ibang network, tinapos na kasi ang kanyang karakter bilang si Fatima sa FPJ’s Batang Quiapo ni Coco Martin.

Ngunit ang mga chika ay sa kapuso o GMA Network ito mag-oover the bakod. Oct. 23 nakumpirma naman ang paglipat ng aktres sa ibang network pero ito ay sa TV5.

Pumirma ang aktres ng kontrata sa ilalim ng MQuest Ventures, ito ang TV film at entertainment division ng TV5 o kapatid network.

Sa pahayag kay Andrea, ibinahagi nito na gusto niya mag-explore ng mga bagay-bagay bilang aktres, feeling umano niya na kaya rin niya na maging komedyante.

Wika ni Andrea : “Madami akong gustong gawin na genre actually. Gusto ko pang i-try ang action kasi sobra akong nag-enjoy doon sa ‘Batang Quiapo’. Action, romance, comedy.. gusto ko din ma-try ang comedy. Feeling ko kaya kong maging comedian kasi puro ako drama lalo na nung bagets ako.”

Marami naman sa mga fans ni Andrea ang suportado siya sa paglipat niya sa ibang network.

Say ng netizen : “Kung saan ka Masaya Blythe support parin Ako Sayo Ikaw parin ung artistang hinahangaan ko,congratulations baby girl.”

“Sayang napakatalented nito…Marami baguhan ang ABS CBN .na artist pero walang ka talent talent malakas lang sa engagement pero ito talented at malakas din sa masa.,good luck blight and congrats.” dagdag pa ng isa.