Bakit minura ni Sassa Gurl ang MTRCB?
Viral ang interview ni Sassa Gurl tungkol sa pelikula nila na Dreamboi, minura ng content creator ang MTRCB matapos silang bigyan ng rated-x.
Ang pelikulang Dreamboi ay pinagbibidahan nina Tony Labrusca, EJ Jallorina at Jenn Rosa sa ilalim ng direksyon ni Rodina Singh para sa CineSilip festival 2025.
Ang pelikula ay mapapanood mula Oct. 22-28 sa mga piling Ayala Malls cinemas.
Ang mga materials gaya na lamang ng mga pelikula na ipinapalabas sa mga sinehan ay isinasailalim muna sa mabusising review ng Movie and Television Review and Classification Board o MTRCB bago ito tuluyang mapanood ng mga moviegoers.
Bakit rated x ang Dreamboi?
Hindi pumasa ang pelikulang Dreamboi at nakakuha ito ng rated-X mula sa MTRCB. Sa ating bansa kung ang proyekto ay may rating na X ay hindi ito pweding ipalabas sa mga sinehan o sa publiko.
Ayon sa MTRCB, may nasilip silang “prolonged sexually explicit scenes” sa Dreamboi kaya binigyan nila ito ng rating na X.
Wika ng MTRCB : “WHILE It OFFERS IMPORTANT REPRESENTATION AND COMMENTARY, ITS PROLONGED SEXUALLY EXPLICIT SCENES MAKE IT INAPPROPRIATE FOR PUBLIC VIEWING.”
Dito na naglabas ng kanyang pagka-dismaya ang content creator na si Sassa Gurl, siya ay kabilang sa mga casts ng naturang pelikula.
Sa post ng Dreamboi account sa Twitter/X anila : “I hate to break the news, but all entries for CineSilip Film Festival have been approved by the MTRCB, except for one. Rated X na naman tayo. Hindi na tama ‘to.”
Say pa ni Sassa : “This is transphobia!! Free the dolls!!”
Sa latest interview naman ni Sassa, dito na niya nagawang murahin ng MTRCB. Ayon sa kanya na hindi nila deserved na magkaroon ng rated x dahil hindi naman siya naglabas ng kanyang nota sa naturang pelikula.
Say ni Sassa : “Tang*na nyo MTRCB! bakla bakit nyo irated X bakla? hindi naman to p*rn, hindi naman ako naglabas ng nota dito.”
Nagbigay naman ng mensahe si Sassa para kay Lala Sotto ang chairperson ng ahensya.
Wika ni Sassa : “Tama na siya! MaLALA siya.”
Dreamboi, nakakuha ng R-18 mula sa MTRCB matapos ang 3rd review.
Matapos ang 3rd attempts, sa wakas ay nabago na ang rating ng Dreamboi mula sa rated-x ngayon ay rated-18 na ito. Ibig sabihin na maaaring manood lang sa mga sinehan ay ang may edad 18 pataas.
Matapos nagpasa ng 3 versions ng pelikula ang mga producers ng Dreamboi, pumasa na ito sa pangatlong pagkakataon.

