Miss Grand 2025, Emma Mary Tiglao isang DDS?

Miss Grand International 2025, Emma Mary Tiglao
Emma Mary Tiglao

Matapos ang koronasyon ni Emma Mary Tiglao sa Miss Grand Int’l 2025, tila ‘nahalukay ube’ naman ng mga netizens ang tungkol sa pagiging DDS ng beauty queen.

Usap-usapan ngayon ng mga netizens ang tungkol sa lumang video ni Emma Mary Tiglao, dahil dito ay inakusahan nila na isang DDS ang dalaga.

Ang ibig sabihin ng DDS ay Diehard Duterte Supporters.

Bakit inakusahan nilang DDS si Emma Mary Tiglao?

Hindi lingid sa marami na bago nasungkit ni Emma ang korona sa Miss Grand International 2025 ay isa siyang journalist o news anchor, dito na lumabas ang kanyang ulat tungkol sa pagkatalo ng tandem nina Leni Robredo at Kiko Pangilinan noong nagdaang 2022 eleksyon.

Sa video ng Net25, dito na inulat ni Tiglao kung paano raw nagkamali ang mga supporters ng LENI-KIKO na tinatawag na PINKLAWAN, aniya ang inaasahan raw na tagumpay ng mga Kakampink ay nauwi raw sa masakit na pagkatalo.

Aniya : “Masama ang loob ngayon ng mga supporters ni Leni-Kiko tandem o mas kilala na mga Pinklawan, pero saan nga ba sila nagkamali? dahil ang inaasahan nilang tagumpay, nauwi sa masakit na pagkatalo.”

Emma Mary Tiglao Net25 news about Kakampink or Pinklawan
Emma Mary Tiglao Net25 viral video

Dito na inulan ng samu’t-saring batikos ang beauty queen, anila na isang DDS naman ang nagwagi sa sikat na patimpalak, caption ng post : “Congrats our DDS Queen Emma!”.

“Emma Tiglao yan? Hanung nangyari kay Ate ghorl? Pwede ba niang i-omit ung word na un sa script nia? Peo shuta ang bias nung buong script may halong bullying. Credible news site ba yan? Ito na ang new normal sa atin, kaya ndi talaga pwede ang radikal love sa bastos era.”

“Ito yung gusto nilang klase ng pagbabalita na hindi biased kuno? Kitang kita na may editorial sa reportage nya. Jusme, akala mo kung sinong mga professional.” dagdag pa ng isa.

Samantala, hindi lang si Emma ang nagkaroon ng issue gaya nito dahil maging ang Pinoy Big Brother alumni na si Shuvee Etrata ay inakusahan rin ng mga netizens na isang DDS dahil rin sa lumang video na nahalungkat online.

Emma, wagi bilang Miss Grand Int’l 2025.

Nasungkit naman ni Emma Mary Tiglao ang korona sa Miss Grand International 2025 bilang back-to-back win para sa ating bansa.

Ipinasa ng Miss Grand International 2024 titleholder na si Christine Juliane “CJ” Opiaza na kapwa pinay ang korona kay Emma Mary Tiglao kagabi sa MGI Hall, Bangkok Thailand.

Emma Mary Tiglao, winning answer.

Sa final Q&A, dito na naitanong sa TOP 5 candidates kung ano ang masasabi nila tungkol sa mga online scammers na talamak na ngayon sa buong mundo.

Final question : “Scammers are an online threat — a form of warfare often tied to human trafficking that has global consequences. Countries such as South Korea and the USA have launched severe crackdowns. What penalties do you think could help dismantle these operations?”

Emma’s winning answer : “As someone who reports this kind of stories, I really want to use the power of balance. Ask people to be educated and aware for us to not be scammed, and the help of the government to enhance their justice system for the scammers to be behind bars, to be accountable,

“Cause one day I hope that we will live in a peaceful, peaceful world where no one should deceive just to survive.” dagdag ni Emma.