Chavit Singson, nagsalita na tungkol kay Jillian Ward.

Jillian Ward and Chavit Singson relationship
Jillian Ward at Chavit Singson

Bakit kaya hindi matapos-tapos ang chismis tungkol kina Jillian Ward at Chavit Singson?

Nagsalita na ang businessman at politician na si Chavit Singson 84, matapos siyang malink sa aktres na si Jillian Ward 20.

Bakit na-link si Jillian Ward kay Chavit Singson?

Kung ating babalikan, taong 2024 pa naglabasan ang mga chismis tungkol sa kapuso aktres na si Jillian Ward dahil meron diumano itong ‘sugar daddy’.

Nagsimula ang mga malisyosong isyu tungkol sa aktres matapos nitong ibahagi sa social media na nakabili na siya ng bago niyang kotse.

Sinabayan pa ito ng kanyang magarbong 18th birthday party noong February 25, 2023, na ginanap sa The Cove, Okada Manila na mayroong Galaxy theme.

Jillian Ward (debut) 18th birthday
Jillian Ward (debut) 18th birthday at The Cove, Okada Manila with Galaxy Theme

Dahil sa mga luxurious things gaya na lamang sa magarbong event na ito ni Jillian at sa bago nitong sasakyan, inakusahan ng mga netizens na mayroong sugar daddy ang dalaga, dito na lumutang ang pangalan ng negosyanteng si Chavit Singson.

Ayon sa mga netizens, si Chavit diumano ang nag-sponsor sa debut ni Jillian.

Agad naman na nilinaw ni Jillian ang tungkol sa mga chismis na kumakalat sa social media at naglabas siya ng kanyang pahayag ukol dito.

Sa naging panayam ni Jillian kay Boy Abunda, binigyang diin nito na walang katotohanan ang mga malisyosong balita na meron siyang sugar daddy, paglilinaw ng dalaga na naka-diaper pa lamang siya ay nagtatrabaho na siya.

Wika ni Jillian : “First time kong mag-open up about it. First time din na interview about it. I just hope na nakikita nila na two years old pa lang ako, naka-diaper pa lang ako, nagwo-work na ako,

“I think naman somehow na lahat po na meron ako is deserve ko through my hard work. I just hope na huwag silang masyadong maniwala sa fake news. Ganyan na po sila ever since. Parang underage pa lang ako, ang dami nang misconceptions about me.” pagbabahagi ni Jillian.

Chavit Singson, nagsalita na tungkol sa chismis sa kanila ni Jillian Ward.

Sa naging panayam naman kay Chavit Singson noong Oct. 14, nilinaw nito na walang katotohanan ang mga chismis na lumalabas sa social media tungkol sa kanilang dalawa ni Jillian Ward.

Paglilinaw si Chavit : “Marites lang ‘yun, Marites lang. Naririnig ko nga ‘yan. Marami ngang nali-link sa akin. Pero puro Marites [lang] ‘yun.”

Hindi lingid sa marami na hindi lang kay Jillian na-linked si Chavit, kamakailan lang kasi ay lumabas rin ang mga chika na nagkaroon umano ng anak ang negosyante sa aktres na si Yen Santos.